Airforce: “No guts, No glory!”
Marines: “No retreat, No surrender!”
Army: “No pain, No gain!”
Naks ayaw patalo ang…
Security Guards: “No I.D, No entry!”
Naruto o Son Goku
Sa presinto…
Pulis: Ano ang itsura ng suspek?
Saksi: Naka-orange po siya at dilaw ang buhok.
Artist: (gumuhit) Bossing, hindi natin kayang hulihin ‘to…
Pulis: Bakit?
Artist: Dilaw raw ang buhok at naka-orange… Kung hindi si Naruto, si Son Goku ‘to!
Ulam NINA Juan at Pedro
Pedro: Alam mo, ‘yung pusa namin, kahit nakalagay sa mesa at walang takip ang ulam namin, hindi kinakain!
Juan: Maniwala ako?!
Pedro: Totoo!
Juan: Ano ba ang ulam n’yo?
Pedro: Asin!
Palusot
Cholo: Ah, waiter, bakit may langaw itong Lomi ko?
Waiter: E, kasi po Sir, sa sobrang sarap ng Lomi namin pati langaw gusto rin.