DAVAO CITY – Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-hire ng “mercenaries” na tutugis sa Abu Sayyaf group (ASG).
Una nang tinukoy na ang nasabing grupo ang siyang suspek sa pagpapasabog sa night market sa Roxas Boulevard sa lungsod.
Sa nangyaring pagpupulong ng pangulo sa kanyang cabinet at national security officials, muling nanindigan ang punong ehekutibo na kanyang pupulbusin ang ASG kahit may mag-hire siya ng mga gunman tulad nang tinaguriang Nepalese Gurkhas.
Ang Gurkhas ay kilala bilang pinakabihasang mandirigma sa mundo.