TULUYAN nang mabubuwag ang kapangyarihan ng LTO, LTFRB, MMDA at maging ng local government units (LGUs) sa pamamahala ng trapiko oras na umiral ang emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang ilan lamang sa rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) sa komite ng Senado para maibsan ang malalang lagay ng trapiko sa mga lansangan ng Metro Manila at iba pang malalaking lungsod sa bansa.
Ayon kay Senate committee on public services chairperson, Sen. Grace Poe, malaking kaluwagan ito kung maipatutupad dahil iisa na lamang ang kailangang lapitan sa ano mang proyekto at posibleng problema.
Matatanggal din ang agam-agam sa banggaan ng hurisdiksyon ng bawat tanggapan sa isyu ng trapiko.
( CYNTHIA MARTIN )