Friday , November 15 2024

Si Liza Maza ‘di raw tunay na makamasa?

ITINATANONG ng marami sa mga nakausap natin na contractual na empleyado ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) kung talagang makamasa ang pinuno ng kanilang komisyon na si Liza Maza matapos silang sibakin mula sa kanilang ikinabubuhay na gawain.

Epektibo raw sa katapusan ng buwang ito ang kanilang pagkakatanggal sa trabaho. Hindi raw nila alam kung mula sa susunod na buwan ay dapat na silang humingi ng tulong sa NAPC dahil tiyak nang maghihirap ang kanilang pamilya bunga ng ginawa ni Liza Maza.

Tanong ng isang masisibak sa trabaho, “Paano naman kami tutulungan ng NAPC ni Liza Maza gayong siya ang magiging dahilan ng aming pagiging mahirap sa hinaharap?”

Si Liza Maza ay kilalang aktibista na nakaranas ng mga paglabag sa karapatang pang-tao. Kaya hindi maintindihan ng Usaping Bayan kung bakit siya ngayon ang nangunguna sa umano ay paglabag sa karapatan ng mga tao na magkaroon ng disenteng buhay dahil sa disenteng trabaho.

Pakisagot nga ito Aling Liza.

* * *

Mula nang itayo ang The Yard sa kahabaan ng Xavierville Avenue sa Lungsod Quezon ay na-leche na ang daloy ng trapiko sa lugar na ito. Walang oras na hindi mabagal ang usad ng mga sasakyan sa lugar dangan kasi walang maayos na parking lot ang nagtayo nito.

Prehuwisyo ang establisimiyentong ito.

***

Sa kabila ng malimit na pagpuna ng Usaping Bayan sa mga lokal na opisyal ng Lungsod Quezon kaugnay ng pagpayag na gawing parking lot ng “commercial establishments” ang mga kalsada sa lungsod lalo ‘yung sa Congressional, Visayas at Tandang Sora avenues ay wala pa rin silang ginagawang hakbang.

Tuwing gabi na lang ay makikipagpatintero ang mga dumaraan sa lugar sa mga sasakyang pumaparada sa mga inuman sa mga kalyeng nabanggit. Baka naman hindi lamang inumin na nakalalasing ang ibinebenta sa mga “commercial sites” na ito?

***

Binabantayan ng mga awtoridad ang maaaring pagpasok ng kinatatakutang Zika virus sa bansa. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website,www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling. Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN – Nelson Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *