Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

City Hall, MTPB, transport groups sanib-puwersa raw vs colorum

NAPAKAGANDANG proyekto!

May bagong estratehiya umano ang Manila Traffic & Parking Bureau (MTPB) para sugpuin o durugin ang mga kolorum.

Ayon kay MTPB chief, Dennis Alcoreza magsasanib puwersa ang Manila city hall, transport groups at ang MTPB mismo para mahuli at tuluyan na umanong mawalis ang mga kolorum na sasakyan na pumapasada sa mga pangunahing lansangan sa lungsod.

Isang tripartite memorandum of agreement umano ang lalagdaan ni Erap kasama ang Pangkalahatang Sanggunian, Manila & Suburbs Drivers Association (Pasang Masda) at Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap) na naglalayong mapaluwag at maging maayos ang trapiko sa Maynila.

080416 lawton illegal terminal

Sabi ni Erap, “Ang paglaban sa kolorum at ang paghahanap ng solusyon sa problema natin sa trapik ay dapat pinagtutulung-tulungan nang lahat, lalo sa hanay ng transportasyon. Ngayong katulong na natin ang Pasang Masda at Fejodap, naniniwala akong matatanggal natin ang mga kolorum sa kalsada at mapapaluwag ang daloy ng trapiko.”

Napakagandang proyekto.

Halos lahat ng motorista ay gustong makatulong sa proyektong ‘yan para lutasin ang masalimuot na trapiko ng mga sasakyan sa Maynila.

Walang masama riyan MTPB chief Alcoreza…

Pero parang ‘malayo’ ang inyong mga tingin. Malayo ang nararating ng inyong mga tanaw…

Hindi man lang ba ninyo napapansin ang illegal parking na punong-puno ng kolorum diyan sa Plaza Lawton?

Ilang metro lang ang layo niyan sa Manila city hall!

‘Yan bang espesyal na grupo ng traffic enforcers ninyo MTPB chief Alcoreza ay kayang palayasin ang illegal parking at  mga kolorum sa Plaza Lawton?

O baka naman mag-o-oplan pakilala lang ‘yan dahil, bago na nga ang hepe ng MTPB…

Hindi kaya?!

Sa Davao City bombing…
US-BACKED ASG, DRUG LORDS
O DESTABILIZATION LABAN KAY DIGONG?

090416 duterte davao bombing

PAGKATAPOS ng pagkabigla, pagkalungkot at pagkatakot, nag-iisip ngayon ang sambayanan kung sino nga kaya ang posibleng gumawa ng pambobomba sa Davao City.

Unang lumutang ang maitim na balak ng US-backed Abu Sayyaf Group (ASG) na kasalukuyang dinudurog ng military dahil sa kanilang walang habas na pamiminsala sa pamamagitan ng kanilang notoryus na kidnap-for-ransom (KFR) activities.

At habang binobomba ang ASG, matalas din ang pahayag ni Pangulong Digong laban sa walang habas na pagpuna ni US President Obama sa extrajudicial killings laban sa mga pinaghihinalaang drug personalities.

Hindi ba’t sinagot sila ni Digong na pangangaralan muna niya si Obama tungkol sa human rights dahil hindi hamak na mas maraming violations ang US sa iba’t ibang bansa sa buong mundo?!

Kaya ang US-backed ASG ang suspect # 1.

Suspect #2, ang drug syndicates. Tanging si Pangulong Digong lamang ang nakapagsulong nang ganito katapang na laban at kampanya laban sa salot na ilegal na droga.

Suspect #3, destabilization plot laban kay Digong ng mga taong hindi matanggap-tanggap na ilalampaso sila ng isang  ‘promdi’ na gaya ng Pangulo.

Lahat sila ay suspek.

Alinman sa tatlo ang suspek sa Davao City bombing — isa lang ang masasabi ng sambayanan — demonyo sila hindi tao.

TRICYCLE DRIVERS
SA MENDEZ, BAESA,
QC IPA-DRUG TEST!

071016 Drug test

Tama ang sabi ni President Rodrigo “Digong” Duterte na hanggang ngayon ay talamak pa rin ang droga sa Filipinas.

Sa kabila kasi ng kampanya ni Digong laban sa ipinagbabawal na gamot, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng ilang pusher sa Metro Manila.

Isang halimbawa na rito ang mga tricycle driver sa paradahan ng Mendez St., Gajudo Compound sa Baesa, Quezon City.

Alam nang halos lahat ng mga nakatira rito na marami ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o shabu, pero walang ginagawang aksiyon ang pamunuan ng kanilang samahan.

Lantarang kumukuha ng shabu ang ilang tricyle driver sa lugar ng Ambuklao,  malapit lamang sa kanilang paradahan, pero walang sumisita sa kanila at pinababayaan lamang ng kanilang mga lider.

Ano kaya ang ginagawa ng kanilang lider na si Lito Apo?

Siguro, dapat sampolan ni  Gen. Bato ang mga adik diyan sa Mendez, Baesa Quezon City.

Magbago na kayo, dahil kung hindi, tiyak may paglalagyan kayo!!!

MGA ADIK SA OVAL
HOLY SPIRIT QC

GOOD day po sa pamunuan ng Bulabugin. Dto po ito sa Holy Spririt QC. Dto po lugar namin hanggang ngayan naglipana ang mga drug adik lalo na po dto sa mga eskinita ng oval. Hayagan kng maghethet ang mga drug adik malapit sa school ng Sto. Domingo Academy. Walng aksiyon ginagawa ang mga brgy tanod dto kahit na ilang ulit inire-report sa kanila. Papayag kaya c super Kap. Valmocena na ganito ang kanyang mga kinuhang barangay tanod? Salamat po. Concern Citizen #

+63910372 – – – –

WALANG BILIB
KAY BANAYO

GOOD pm Mr. Jerry Yap, this Lito Banayo was once again appointed government position. Is this government of President Duterte can’t find a far more qualified public servant than this Lito Banayo – the most tainted public appointee of this administration. Mel Payuan #

+63939492 – – – –

REACTION KAY VP
LENI ROBREDO

GOOD day. Sabi ni Atty. Makalintal na lawyer nI VP Leni Robredo hindi raw nandaya sa last election c Robredo last May 2016. Tama rin c Makalintal but the Comelec the Smartmatic cheated for Robredo sa utos ng dating Pres. Benigno Simon Aquino. Tigilian n rin ni Robredo ang pagpa-charming kay Duterte cos she’s not pleasing to the eyes. Trying hard at KSP ang labas ni Robredo. Is it true naman kaya na totoong suporta i-give niya sa Duterte Admin? Baka iba motibo niya? Ang gawin na lang ni Robredo mag-enjoy sa Boracay Mansion, namnamin niya ang pagka-bise presidente na nakuha niya sa pag-cheat ng Comelec at Smartmatic at mag-concentrate siya sa pagiging oposisiyon kung me makita cyang mali sa Duterte admin banatan nya. Igihan niya at umayos c Robredo at baka magulantang cya na talo pala cya sa pagiging bise pres.  #

+639226344 – – – –

MGA SALOT NA PUSHER
SA BRGY. PARULAN,
PLARIDEL, BULACAN

GOOD day po. Meron lng po sana aq hihilingin n kung maaari paki-aksyonan ung aming lugar sa Brgy. Parulan, Plaridel, Bulacan. Napakarami pong pusher at adik sa lugar namin. Cila ay sina AJ, J. SANTOS, CHINCHIN, MARCELO. Marami pa pong iba n mga bagong salta lng sa lugar. Kung pwede po agarang paghuli sa kanila. #

+639654691 – – – –

REKLAMO SA CSF
NG OSPITAL
NG SAMPALOC

GOOD am Sir. Isa ako lagi sa Ospital ng Sampaloc. May CSF sa harap na nakaupo on duty lagi nglalaro ng games sa cellpone. Tapos tatayo manigarilyo lang. Wala po modo c Peneda. #

+63915471 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *