Thursday , December 19 2024

Acting chairman utas sa shootout (Kumasa sa riding-in-tandem)

PATAY ang isang acting barangay chairman nang makipagbarilan sa mga pulis na lumusob sa isang bahay sa bisa ng search warrant sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Agad binawian ng buhay si Nelson Nazareno, acting chairman ng Brgy. 139 sa nasabing lungsod, makaraan lumaban sa mga pulis na sumalakay dakong 3:30 am sa 32 Bagong Barrio ng nasabing lungsod, sa bisa ng warrant of arrest laban kina Nazareno at Jefferson Medina.

Wala sa lugar si Medina ngunit naaresto ang isang nagngangalang si Felix Rambonanza alyas Jun Rambo, miyembro ng Commando Gang, at nakompiskahan ng dalawang plastic sachet ng shabu.

Si Nazareno ay kabilang sa drug watchlist at itinuturing na high value target ng pulisya.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *