MAS gugustuhin umano ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na huwag matuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections dahil tiyak na kokopohin daw ito ng narco-politicians.
Mukhang pabor rin naman ang mga mambabatas sa Kamara at sa Senado na huwag matuloy ang nasabing eleksiyon sa Oktubre kasi s’yempre obligado rin silang magbigay ng suporta sa lokal.
‘E mukhang marami pa ang hilahod sa gastos nitong last election kaya lahat naman ay pabor.
Pero mas gusto natin ang rason ni Pangulong Digong kung bakit ayaw niyang ituloy ang eleksiyon.
Kailangan pa nga kasing paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga.

Pero masuwerte rin ang mga barangay chairperson o punong barangay at mga kakawatan ‘este kagawad na mayroong minamantinang mga balon ng kayamanan sa mga barangay nila gaya ng illegal terminal, illegal vendors, bookies, jueteng, saklang-patay at iba pa.
Kasi, mukhang ‘status quo’ rin ang mga ilegal nila. ‘Yun lang, baka naman, gusto lang silang masakote ni chief PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.
Tiyak, diyan matatapos ang mga kaligayahan ninyo.
Kaya hintay-hintay lang kayo, lalo na ‘yung may mga ilegal dahil hindi ipinipikit ni DG Bato Dela Rosa ang kanyang mga mata sa mga ilegal lalo na’t prehuwisyong tunay sa mamamayan.
Kaya mga barangay chairman na may ilegal, lalo na ‘yung nagkakamal ng kuwarta sa illegal parking, hintayin ninyo si DG Bato — tiyak na mababatukan na kayo, matitigil pa ang ilegal ninyo!
MINDANAO DAPAT
BANG MAGING TAPUNAN
NG SCALAWAGS?!

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com