Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mas mature na Jadine mapapanood na simula ngayong gabi sa “Till I Met You”

MAS TRIPLENG KILIG HATID NG JADINE
SA “TILL I MEET YOU”
NG DREAMSCAPE ENTERTAINMENT

Kahapon sa Le Reeve Events sa Kyusi ay humarap sa entertainment media at ilang bloggers ang cast ng bagong romantic serye ng Dreamscape Entertainment na “Till I Meet You,” na palabas na simula ngayong gabi sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Umpisa pa lang ng presscon ay tilian na ang fans and supporters nina James Reid at Nadine Lustre habang kinakanta ni Kyla ang themesong ng soap.

Dahil sobrang na-miss nang lahat ang JaDine na matagal na namalagi sa Greece sa taping nila roon, sa kasabikan nang lahat paulit-ulit ang kuha ng pictures sa dalawa at maging ang favorite director ng hottest loveteam na si Antoinette Jadaone.

082916 TIMY Jadaone

Ang new star ng Dreamscape na si JC Santos, Pokwang, Angel Aquino at mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi ay mainit rin na tinanggap.     Nang tanungin sina James at Nadine sa kanilang mga role sa “Till I Meet You,” mas type raw ni James ang karakter niya bilang Baste kaysa nauna nilang hit teleserye na “On The Wings of Love” bilang Clark.

Si Clark raw kasi masyado siyang perfect unlike

Baste na tour guide sa bansang Greece na naghahanap ng atensiyon na matatagpuan niya kina Nadine at JC.

Maliban sa mas mature ang role nilang pareho ni James ay wala naman daw ipinagkaiba si Leah (karakter ni Nadine sa OTWOL) kay Iris.

Dagdag ni Direk Antoinette sa karakter ni James, “He’s fun loving person, adventurous, love na love niya ang life. Pareho nilang mahal ni Iris ang pamilya nila at si Iris, mas kaya niyang i-bully ang bestfriend niya rito sa “Till I Meet You,” hindi siya magpapatalo. Hindi rin basta-basta ang background ng makala-love triangle ng JaDine na si JC dahil bukod sa pagiging theater actor ay nagtrabaho pala siya bilang singer at dancer sa Universal Studios sa Hong Kong. Lumabas na rin siya sa pelikulang “Janitor” na naging entry noon sa Cinema One Originals.

Basta triple raw ang hatid na kilig sa televiewers ng Till I Meet You kaya watch ninyo agad ang pilot episode nito gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …