DAGUPAN CITY – Kusang ipina-inspeksiyon ni Asingan Pangasinan Mayor Heidi Ganigan-Chua ang pag-aaring poultry farm ng kanilang pamilya para patunayang hindi sila sangkot sa illegal na droga.
Inimbitahan mismo ng alkalde ang mga pulis kasama ang mga miyembro ng media para ipakita sa publiko na walang katotohanan ang mga paratang laban sa kanya.
Nais ng alkalde na matapos na ang mga haka-hakang nagsisilbing drug laboratory ang manukang pag-aari ng kanyang ama.
Giit ng opisyal, nag-ugat ang mga paratang dahil sa pamomolitika ng mga kritiko.
Una rito, pinabulaanan ng alkalde na siya ay isang drug protector sa kanilang bayan.