Sunday , December 22 2024

Wala kayo sa hulog vice…

NITONG nagdaang Lunes ay induction ng Quezon City Press Club sa Quezon City Hall at ang bisitang pandangal ng samahan ay si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte-Alimurong.

Maayos naman sana ang programa hanggang magtalumpati ang vice mayor ni Mayor Herbert Bautista.

Inumpisahan ni Vice ang kanyang talumpati sa pinagmulan ng kanyang pamilya at kung paano sila naging publisher ngayon ng isang malaking pahayagan na sinasabi nang marami ay simpatiko sa dilawang politika.

Nakatutuwa kasi, marami akong nalaman tungkol sa kanyang pamilya’t pahayagan. Bayani pala ang kanyang lolo na ngayon ko lang nalaman.

Ngunit sa gitna ng talumpati, gamit ang paraan ng pagpapaalala, ay nakangiti niyang pinuna ang umano ay paghingi ng pabor ng mga reporter sa kanyang tanggapan. Paalala niya na maaaring ito ay makasira sa pagiging objective ng mga reporter sa kanilang pag-uulat tungkol sa pamahalaang panglungsod.

Wala akong problema sa sinabi ni Vice dahil mayroon siyang punto. Ang hindi ko nagustuhan ay nilabhan niya ang maaaring maruming damit ng asosasyon sa harap ng mga bisita na wala namang kaugnayan sa city hall, kaya hindi ako nagtataka na pinag-uusapan ngayon sa iba’t ibang press corps ang QCPC.

Parang ginaya ni Vice si dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III na may ugaling binabanatan ang mga umiimbita sa kanya sa kanilang sariling okasyon.

Vice, espesyal na okasyon ang induction ng QCPC kahit pare-parehong mukha lamang ang nakikita ninyo sa loob ng ilang taon.

Kung may problema sana ay maaari naman ninyong kausapin ang QCPC sa isang executive session at doon paalalahanan. We will appreciate that.

Hindi naman tayo kahapon lang ipinanganak, kahit wala kayong tahasang tinukoy ay malinaw na miyembro at pamunuan ng QCPC ang pinatatamaan ninyo.

Ang mas dapat siguro ay tulungan ninyo na itaas ang aming dangal na inaabuso ng mga publisher sa pamamagitan ng pagbibigay lamang nila ng slaver’s wage, kung nagbibigay pa, kapalit ng aming serbisyo.

Alam ninyo ‘yun Vice. Kayo na rin ang nagsabi na maliit lang ang kinikita ng mga reporter at napakalaking panganib ang aming kadalasan ay kinakaharap.

* * *

Ipaaaresto raw ni Rep. Harry Roque si Senadora Leila De Lima kung hindi niya sisiputin ang imbestigasyon ng kamara tungkol sa paglaganap ng bawal na gamot.

Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com

Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresortpara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN – Nelson Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *