IPINAGBAWAL ng Commission on Elections (Comelec) sa Sangguniang Kabataan (SK) voters na maglaro ng Pokemon Go sa bisinidad ng mga presinto kapag natuloy ang eleksiyon sa Oktubre 31, 2016.
Ayon sa Comelec, ano mang paggamit ng cellphone sa loob ng presinto ay hindi pinahihintulutan.
Giit ng poll officials, hindi lamang ang pagkuha ng larawan sa balota ang bawal, kundi maging ang ano mang aktibidad na makaaapekto sa kasagradohan ng boto.