Minsan nagkasama kami sa isang event ng biyuti pa rin sexy singer-actress. Sumikat ang pangalan niya noong 90s. Naikuwento niya saglit sa inyong columnist ang hinampo niya sa kapwa sexy stars na may utang sa kanya pero deadma naman pagdating sa bayaran. Porke’t alam raw nila na may mga raket pa rin siya sa mga show sa probinsya ay tinetext siya para mag-emote sa kanya ng datung dahil matindi raw ang pangangailangan. Kani-kaniyang rason ang mga tinutukoy nating hubadera. Si Boldstar A, kaila-ngan raw niya ng pambili ng gatas at diaper sa kanyang mga anak, si Boldstar B naman pamba-yad sa upa ng apartment, at ilaw at ang da height ang rason ng huling hubadera na 1K ang inuutang, pambili ng bigas at ulam dahil two days nang puro lugaw at tuyo ang kinakain nila ng kanyang pamilya na kasama niya sa bahay. Tingin yata nila sa kanilang inuutangan ay charity ‘e hindi naman super rich para magpatayo ng foundation.
Hala, kapag hindi pa kayo nagsibayad ay papangalan ko na kayo isa-isa gyud!
HULING TATLONG ARAW NG “DOLCE AMORE” HINDI NINYO BIBITAWAN SA KILIG AT SUSPENSE NA MGA EKSENA NG LIZQUEN
Nalaman na ni Favio (Alvin Anson) mula sa espiyang si Hanna (Franchesca Floirendo) na hindi magkadugo sina Simon (Enrique Gil) at Vivian (Techie Agbayani) at hindi mag-ina ang dalawa dahil si Luciana Marchesa (Cherie Gil) ang tunay na mother ni Tenten. Isa sa plano ngayon ni Fla-vio para makaganti kay Luciana bukod sa perang ibinalik na sa kanya ni Luciana ay kanyang sorpresahin ng eskandalo ang pamilya Ibarra, Urtola at Marchesa sa ipinatawag na party ni Tenten para mag-propose ang binata kay Serena (Liza Soberano). Mapagtagumpay kaya si Flavio sa maitim na balak na sirain ang mag-inang Tenten at Luciana na nagsisimula nang gumanda ang relasyon. Ikakasal ba ang LizQuen sa huling tatlong araw ng “Dolce Amore” na inyong sinuportahan nang pitong buwan sa ere at gabi-gabing mataas ang ratings.
Sa tindi ng kilig at suspense na ending ng romantic-drama serye sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz Alviar mula sa Star Creatives, siguradong hindi kayo bibitaw hanggang sa huling araw nito sa ere gyud!
GINANG NA PINASLANG ANG MISTER SINUWERTE SA SUGOD-BAHAY SA BARANGAY
Sa bukid ang trabaho ng mister ni Aling Josephine Almeda ng Bacoor Cavite at iyon ang iki-nabubuhay ng kanilang pamilya. Pero isang ma-tinding trahedya ang dumating nang walang awang pinagbabaril ang mister hanggang ba-wian ng buhay. Ang masaklap hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala ang salarin kaya’t hanggang ngayon ay hindi pa nakakamit ng pamilya ang hustisya. Sobrang sakit rin para sa ina ang pagkamatay ng kanyang anak dahil sa sakit na cancer. Kasama ngayon ni Josephine sa bahay ang kanyang bunsong anak at may karamdaman ang ale na diabetes at hypertension at sa hirap ng buhay ay walang pampa-check up sa hospital. Kaya naman laking tuwa ni Josephine nang kumatok ang malaking suwerte sa buhay niya at siya ang nanalo kahapon sa Sugod-Bahay sa Barangay. Binigyan siya ng Eat Bulaga ng tulong financial na 60k. Siyempre bukod sa malaking halaga ay personal na ipinagkaloob sa kanya nina Jose, Wally at Maine Mendoza ang bonus na cash prize mula sa iba’t ibang sponsors at iba pang papremyo kasama ang Bossing Savings Bank na Passbook at ATM na may initial deposit.
TAMBALANG KENNETH AT TAKI PATOK SA “CALLE SIETE” FAMILY COMEDY – DRAMA SERIES KINAALIWAN ARAW-ARAW NG TV VIEWERS
Dahil mas riot at super funny ang mga eksena sa “Calle Siete,” pataas nang pataas rin ang ratings at hindi nagpapakabog sa kalabang show sa AGB Nielsen Mega Manila Ratings at palaban na rin sa Kantar Media National TV Ratings sa 10.6% na rating nitong August 15.
Bukod sa mga pangunahing character na gumaganap sa family comedy-drama series ng Tape Incorporated na kinabibilangan nina Ryzza Mae Dizon, Eula Valdez, Christian Bautista at loveteam ng morning serye na sina Kenneth Medrano at Taki Saito na mag-on na. Malakas rin ang impact ng komedyanang si Rubi Rubi na gumaganap na tiyahin ni Sushi (Saito) at Lucky Mercado bilang bading na si John.
Matapos aminin sa kanyang Ate Shiela (Valdez) at sa mga kapatid na sina Barbie (Dizon) at Jonas (Medrano) ay tinanggap siya nang buong-buo. Nakaw eksena sa serye si Bianca na kahit alam niyang gay ang crush na si Jonas ay panay ang kombinsi niyang gustuhin siya nito. Ops, may mga seksing Babes rin sa Calle Siete, sina Patricia Tumulak at Lovely Abella.
Mula ito sa direksyon ni Monti Parungao at mapapanood araw-araw, 11:30 ng umaga sa GMA-7 bago mag-Eat Bulaga.
VONGGANG CHIKA – Peter Ledesma