HINDI na naabutan ni Da King Fernando Poe Jr. ang pagtatagumpay ng mga palabas sa telebisyon lalo na ang teleserye, pero kung sakaling buhay pa siya sa mga panahong ito, tiyak na matutuwa siya sa tagumpay ng kanyang dating pelikulang Ang Probinsiyano na ginawang teleserye at pinagbibidahan ni Coco Martin.
Consisent na top rating ang FPJ’s Ang Probinsyano na ginagampanan ni Coco ang papel na Cardo.
Pero nai-share naman sa pamilya Poe ang tagumpay ng AP dahil kasama rito ang may bahay ni FPJ na si Susan Roces.
Sa totoo lang, sa pamamagitan ng Ang Probinsyano, hindi natin ramdam na ilang taon na pa lang patay si Da King dahil kahit na sabihing si Coco ang bida, parang synonymous ang dalawa kapag nababanggit ang batang actor. Kapag ini-interview nga si Coco, para na ring tunay na FPJ ang nagsasalita.
( TIMMY BASIL )