BGC clubs target ni C/PNP DG Bato sa anti-illegal drugs campaign
Jerry Yap
August 23, 2016
Opinion
IBA naman!
Parang ‘yan ang sigaw ni C/PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ngayong nakatakda ang pakikipagpulong niya sa mga may-ari o operator ng high-end clubs and bars sa Bonifacio Global City (BGC) sa Makati at Taguig City.
Akala siguro ng mga tambay, lalo na ng ilang ‘responsible’ drug users ‘daw’ sa high-end bars and clubs sa BGC ‘e hindi sila aabutin ng kampanya laban sa ilegal na droga ng Duterte administraton.
Sorry guys, it’s a long way to go…
Baka nalilimutan ninyo, dalawang buwan pa lang umaarangkada ang kampanya laban sa ilegal na droga.
Ang pangako niya noong eleksiyon, sa loob ng anim na buwan, ‘itutumba’ niya ang talamak na ilegal na droga sa bansa.
At ‘yan ang sinusundan ni C/PNP Bato.
Kaya sa linggong ito, kakausapin ni Gen. Bato ang mga club and bar owners/operators sa BGC para magkaroon sila ng unawaan (o puwede bang tawagin ‘yan na memorandum of understanding?) kung paano sila magsasagawa ng surveillance at pag-aresto sa mga pinaghihinalaang drug user/s at drug courier/s or supplier/s.
Batay kasi sa mga ginagawang surveillance ng pulisya, mayroong trace na ang mga party drugs (ecstacy/cocaine) ay diyan talamak sa BGC party clubs?!
Kumbaga, nariyan sa BGC ang mga gimikero na can afford bumili ng mga mamahaling party drugs.
Wish natin na makakuha ng ebidensiya ang mga awtoridad sa high-end gimmick area na ‘yan.
Una, para mapatunayan ng Duterte administration na hindi lang mga adik na dukha ang kaya nilang sugpuin.
Maipakita sana nila na kaya rin nilang supilin ang walang habas na pagkalat ng ilegal na droga sa high-end gimmick area.
Gen. Bato Sir, hinahamon ka ng madlang pipol at sumisigaw — “SAMPOL! SAMPOL!”
PASAY PNP OIC
S/SUPT. NOLASCO BATHAN
TAGO NANG TAGO KAYA
LAGING WALANG ALAM!?
Hindi natin alam kung tamad o ayaw magtrabaho ni Pasay City police officer-in-charge (OIC) S/Supt. Nolasco Bathan.
Ayaw ba niyang magtrabaho kasi OIC lang siya?!
Naitatanong po natin ito kasi hindi natin maintindihan kung ano ba talaga ang alam niya sa kaso ng mag-amang inaresto ng Pasay City police pero napaslang sa loob ng kulungan.
Sa totoo lang, nang mangyari ang nasabing insidente, ay nagtago at hindi humarap sa media si Bathan kahit marami ang gusto siyang tanungin sa naturang insidente.
Hinahanap siya ng media people pero imbes lumabas ay nagkulong at nagpalamig-lamig lang siya sa loob ng kanyang opisina!?
Wattafak!?
Ibang klase rin daw umasta itong si Bathan, pasuplado-epek…
Pero sandamakmak naman ang nagpapakilalang mga bagman ngayon sa Pasay PNP?!
Kernel Bathan, kung ayaw mong maitapon sa Sulu o sa Basilan, magtrabaho ka!
Kahapon lang sa senate hearing ‘e sablay ang mga sagot niya gaya ng sinabi niyang hindi nag-drug test ang mag-amang drug suspect na pinatay ‘este napatay sa kanilang estasyon.
Pero, sa affidavit ng dalawang pulis na nakapatay sa mag-ama ay dinala nila sa PNP-SPD crime lab ang dalawang napaslang para i-drug test!
Gen. Bato, Sir, paki-check lang ang isang police OIC ninyo at mukhang masyadong nalalamigan sa kanyang opisina diyan sa Pasay city police office.
‘E baka maisipan ni Presidente Digong na muling sumakay sa kanyang “big bike” at ma-tiyempohan si Kernel Bathan, tiyak marami ang magpapalakpakan!
Pak, ganern!
MAY ALINGASNGAS
NA NAMAN BA
SA BI-CLARK-ANGELES!?
May mga sumbong na naman tayong natanggap tungkol sa ilang kuwestiyonableng sistema sa one-stop-shop sa Bureau of Immigration (BI)-Clark na nalilimutan daw yata ideklara ang bilang ng Special Students Permit ng mga estudyante sa ilang schools diyan.
‘Oplan Lubog’ yata ang tawag doon kung hindi tayo nagkakamali.
Nagrereklamo raw kasi ang mga magulang ng ilang estudyanteng foreigners kung bakit kinakailangan pang magbayad ng extra P2,000 ang kanilang anak gayong puwede naman daw nila ipakompleto ang requirements?!
Sabagay mukhang hindi nga tama ‘yun.
Kung para lang sa halagang P2,000 ay bibigyan na ng SSP VISA ang isang estudyante kahit kulang ang kanyang dokumento ay bawas-kita na rin ito para sa opisina.
Hindi rin malayo na bababa ang koleksiyon ng BI kung ganyan na naman ang raket diyan!?
Isa pa rin daw reklamo, ang nangyayari sa BI-Angeles Field Office na kinakailangan pa raw mag-show-up para sa interview or interrogation personally ang isang foreigner na nag-a-apply ng extension?!
Hallerr!!! At bakit kaya?!
Extension lang may personal interview ek-ek pa?!
Hindi naman kaya gusto lang mag-conduct ng briefing or counselling ang kasalukuyang Alien control officer para lang i-backpay ‘este i-background investigation?!
Any comment on this, Mr. Jun Lambino??
UTOL NG LOVER BOY
NI DE LIMA NAKAPASOK
SA IMMIGRATION?!
SIR Jerry, matindi talaga ang lover boy ni De Lima naipasok ang utol niya sa immigration at may item pa. Malakas kasi cla noon kay Fred Mison. Dapat paimbestigahan ni SOJ Aguirre ang qualification nito kung paano nakapasok sa BI.
+63916744 – – – –
BASURA NIRARAKET
SA MARIKINA!?
KA JERRY, iba rin naman kung dumiskarte ang mga tauhan ng Marikina city hall na kahit araw ng Linggo ay wala silang pahinga sa kanilang mga gawain tulad ng paglilibot sa BRGY. IV-C na kahit basura na dapat sa labas ng bahay ilagay ay ‘di raw puwedeng ilabas dahil bawal daw gayong nasa gilid ito ng mga pintuan ng bawat bahay. Paano kung ang basura ay may lamang bituka ng isda ‘e ‘di patay ang nakatira rito at ang panakot daw ay kanilang titiketan. Ang siste pala nito, kapag nahuli ang isang bahay ay kanilang sisingilin ng P1,500 at ang kalahati nito ay sa bulsa na nila. Aba, MAYOR MARCY TEODORO SIR! Ang galing ng raket ng mga tauhan ninyo! Alam ba ninyo ito? Sa o lang nangyari ang ganitong kotongan sa pagdidisiplina sa lungsod ng Marikina! Baka sa susunod na eleksiyon sa kangkongan ka pulutin!
+63918931 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN – Jerry Yap