UMIINIT na nang husto ang isyu ng droga sa bansa lalo ngayong umiigting ang kampanya ng Duterte administration laban dito.
Anim na buwan ang pangako ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte para resolbahin ang problema sa droga.
At totoo sa kanyang sinabi, kabila-kabila ang operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa malalaking sindikato ng droga.
Mula sa mga pook na bantog sa talamak na droga hanggang sa loob mismo ng Bilibid na pinaniniwalaang pinagkakanlungan ng malalaking drug lord.
Kamakailan, pinuruhan na rin ni Digong ang local government at judiciary hanggang kay dating justice secretary ngayon ay Senadora Leila de Lima.
Tinamaan na rin ang entertainment industry. Ilang personalidad na ang napatay at naaresto na itinuturong sources o supplier ng iba’t ibang klase ng ilegal na droga sa showbiz.
Naniniwala tayo na sa ganitong panahon mayroong mahalagang papel an dapat gampanan ang showbiz industry.

Bakit hindi pangunahan ng mga Kapamilya at Kapuso artists ang pagpapa-drug tests para mapatunayan nila sa kanilang mga tagahanga na tama sila nang piliin nilang sila’y maging idolo.
Alam naman natin na malakas ang impluwensiya ng mga artista lalo sa dalawang malaking network na ‘yan.
Kaya naniniwala tayo na kung makikita ng mga kabataan na ang mga idolo nilang Kapamilya at Kapuso artists ay clean living, malaking tulong ito sa kampanya ni Pangulong Digong.
Ang tanong: sino kaya ang mauuna, ang Kapamilya o Kapuso stars?!
Palagay natin ‘e dapat na nilang umpisahan!
MGA PATAKARANG
‘TAMANG-DUDA’
NG BAGONG
MIAA AGM-SES

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com