HUMINGI ng tulong sa Department of the Interior and Local Government (DILG) si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa kaugnay sa barangay officials na hindi nakikipagtulungan sa kanilang anti-illegal drug operations.
Hinala ni Dela Rosa, kumukuha ng suporta para sa nalalapit na barangay elections ang mga kapitan at kagawad sa drug personalities kaya minsan sila pa ang hadlang sa kanilang mga operasyon.
Sinasabing sa isasagawang barangay at SK elections sa Oktubre, ilan sa nakatalang kandidato ay mga sangkot sa illegal drug trade.