Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manager ng Playgirls, nalungkot sa sinapit ni Karen

LAMAN ngayon ng mga balita ang DJ ng Monster Radio RX 93.1 na si  Karen Bordador na nasakote sa isang buy bust operation at nahulihan ng party drugs at iba pang ipinagbabawal na gamot kasama ang boyfriend nito sa isang condo.

Nagkalat na rin sa social media ang mugshot ni Karen.

May mga nagsasabi at bumabati sa mga pulis sa ginawang raid dahil natigil na rin ang illegal na gawain ng magdyowa pero mayroon namang naaawa sa sinapit ni Karen lalo na ang kanyang dating manager na si Quickie (Michael Tupaz).

Original member pala si Karen ng grupong Playgirls na mina-manage ni Quickie na kung inyong natatandaan, nagging viral at naging bukambibig during the early days of the presidential campaign dahil sa kanilang pagte-twerk sa isang campaign/birthday sortie.

Pero hindi na kasama si Karen sa kontrobersiyal na Playgirls na sumayaw sa naturang event.

Basta ang original batch ng Playgirls na kasama si Karen ay sina Pauline Subido na may anak si Quickie.

Sabi ni Quickie, napakatalino raw nitong si Karen, nag-aral daw ito sa exclusive schools kaya hinayang na hinayang siya sa kinasasangkutan ngayon ng dating alaga.

Sa parte naman ng Monster Radio, as of presstime ay wala pa silang  official statement.

Samantala, nakasama pala si Karen sa reality show na I Do hosted by Judy Ann Santos. That time, si Chris ang kanyang partner. Si Emilio Lim ang latest bf ni Karen na kasama nitong natimbog sa buy bust operation.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …