HAWAK na ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon ang listahan ng hinihinalaang big-time smugglers sa bansa.
Ito ay makaraan ipinasakamay ng grupong United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) ganoon din ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang nasabing listahan.
Aabot sa 30 pangalan ng indibidwal ang nasa listahan ng mga sangkot sa smuggling ng semento at ilang imported products.
Pag-aaralang mabuti ni Faeldon ang nasabing listahan at agarang magsasagawa ng imbestigasyon.