Saturday , January 4 2025

Kerwin Espinosa ‘di susuko — PNP

KINOMPIRMA ni PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, wala nang balak sumuko si Kerwin Espinosa, sinasabing top drug lord sa Eastern Visayas.

Ito ay batay sa pakikipag-ugnayan ni Dela Rosa sa kanyang counterpart na Royal Malaysian Police.

Una nang napaulat na nakalabas ng bansa patungong Malaysia si Kerwin bago pa man kusang-loob na sumuko ang kanyang ama na si Albuera Mayor Rolando Espinosa makaraan pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang Narco-mayor.

Mariing itinanggi ni Mayor Espinosa na siga at drug lord ang kanyang anak na si Kerwin na siya talagang may kinalaman sa pagbebenta ng illegal na droga.

Ayon kay Dela Rosa, sinabi ng Royal Malaysian Police, wala pa silang record nang paglabas ng Malaysia ni Kerwin kaya maaaring nagtatago pa sa nasabing bansa.

About hataw tabloid

Check Also

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

QCPD Gera vs bawal na paputok

Gera vs bawal na paputok, ipatutupad ng QCPD para  sa ligtas na Bagong Taon

MAHIGPIT na ipatutupad ng Quezon City Police District (QCPD), sa pangunguna ni Acting District Director …

Sa Bulacan KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

Sa Bulacan  
KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

SA PAGSISIKAP na matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang ilegal na paggamit ng …

Chavit Singson e-jeep

Inilunsad na e-jeep ni Manong Chavit pinakamura sa merkado

ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman Luis “Manong Chavit” Singson ang bersiyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *