TINATALAKAY ngayon ng mga opisyal ng pama-halaan ang sanhi ng mabagal na daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila lalo sa Efifanio De los Santos Avenue (EDSA). Gayon man, nakalulungkot na tila ang nakikita lamang ng mga naguusap na sanhi ng mabagal at nakaiinis na trapik ay provincial buses, UV Express at mga vendor sa daan.
Isipin na lamang na lahat ng mga sinisisi nila bilang dahilan ng trapik ay ‘yung mga nagbibigay serbisyo sa mahihirap nating kababayan.
Hindi natin kailangan ng rocket scientist para malaman na dahilan ng trapik ang patuloy na pagdami ng mga pribadong sasakyan na kada-lasan ay isang tao lamang ang sakay.
May palagay ako na kung pupuhunanan lamang ng oras ng mga opisyal ang pag-oobserba sa mga lansangan, lalo na ang kahabaan ng EDSA, ay malalaman nila, bukod sa pagdami ng mga pribadong sasakyan, ilan sa mga tunay na sanhi ng trapik ang mga sumusunod:
Ang kawalan nang disiplina ng mga motorista at pedestrian sa paggamit ng mga daan
Ang kawalan o kakapusan ng maayos na pampublikong sasakyan tulad ng tren at river ferry
Ang masamang kondisyon ng mga kalye
Ang pagkakaroon nang choke points o imbudo sa mga daan
Ang kawalan nang isang batas trapiko na susundin ng lahat
Ang pagkakaroon ng mga vendor sa hindi tamang lugar
Ang kawalan nang etiketa at konsideras-yon sa kapwa ng mga tsuper at pedestrian
Ang boundary system sa mga pribadong pampublikong sasakyan
* * *
Simula nang matayo ang The Yard sa kahabaan ng Xavierville Avenue ay nagkahetot-hetot na ang daloy ng trapiko sa lugar na ito. Wala kasing sapat na parking space ang lugar para sa kanyang mga kliyente, ang resulta, ang kalye at bangketa ang ginagawang parking lot ng mga kumakain dito.
Isang malaking kagaguhan ang pagpayag ng lokal na pamahalaan at barangay na itayo ang The Yard sa makipot na lansangang ito.
Ano masasabi mo riyan Mayor Herbert Bautista?
* * *
Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kabayanihan nang nasawing kawal. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ang e-news website na www.beyonddeadlines.com
Ang website na ito ay naglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay ng mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin din ang website na ito. Pakikalat ang tungkol sa Beyond Deadlines.
Salamat po.
* * *
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbas-yon.
USAPING BAYAN – Nelson Flores