Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Hinamak ang lahat pati paglilingkod sa bayang humalal (Sa ngalan ng ‘pag-ibig’)

SABI nga ng mga lolo at lola, hahamakin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig, masunod ka lamang.

Hindi lang natin alam kung ‘yan ba ay pag-ibig talaga o pagnanasa o libog, sabi nga.

Pero alinman diyan, nauunawaan pa rin natin si Madam Senator Leila De Lima…

Hindi puwedeng kontrahin ang pag-ibig.

Kung pagbabasehan ang mga ilang taon nang tsisimisan sa Department of Justice (DoJ), sa Bureau of Immigration (BI) at NBI at baka hanggang sa Malacañang (itanong pa ninyo sa mga miyembro ng Presidential Security Group — PSG) noong panahon pa ni PNoy, ‘open secret’ na raw ang ini-expose ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Hindi ba’t minsan na rin itong inilantad ni Ms. Sandra Cam with matching video pa raw?

Nagtaka nga lang tayo kung bakit biglang naglaho at tumahimik ang tila sasambulat na sex scandal expose ni Ms. Sandra Cam.

081916 de lima driver bodyguard

Pero sabi ng isang kaibigan natin, laging totoo ang Golden Rule — “Do unto others as you would have them do unto you.”

Sa lengguwahe natin, “Kung sandamakmak ang putik mo sa mukha, huwag kang mamimintas na ‘yung gusto mong awayin ay maraming muta sa mata.”

Pero, on the second thought, ano bang masama kung may sex video si Madam Senator?

E wala naman siyang sabit, ‘di ba?

Matagal na umanong legally seperated sila ng isang Atty. Bohol, ‘di ba?

At saka kung paninindigan naman siya no’ng kasama niya sa video gaya sa kaso nina Hyden Kho at Chito Miranda?!

E sa totoo lang, kung hindi lang “public figure” si Madam Senator, malamang gusto na niyang sabihin — “Eat your heart out, kasi wala kayong video! Belat!”

O anong say mo, Ms. Sandra Cam?

IT PAYS TO BE LOYAL
PARA SA PAMILYA
DIÑO-SEGUERRA

081816 duterte aiza liza

KAMAKAILAN itinalaga ni President Duterte si rights advocate and showbiz personality Aiza Seguerra bilang chairperson of the National Youth Commission (NYC) habang ang kanyang partner na si Mary Liza Diño, ay itinalagang chairperson ng Film Development Council of the Philippines.

Alam naman nang lahat na loyal supporter ni Pangulong Duterte sina Aiza at Liza at si Daddy Martin kahit noong panahon na hindi pa siya tumatakbong presidente.

Sa dalawa, wala tayong naririnig na reklamo laban sa pagkakatalaga kay Aiza.

Malakas ang impluwensiya ni Aiza sa kabataan.

Kaya nga sinusuportahan ni Aiza ang matinding kampanya ni Pangulong Digong laban sa ilegal na droga.

Isa nga sa mga pagtutuunan niya ng pansin ay mga out-of-school youth (OSY) na madalas nabibiktima ng ilegal na droga.

Nang tanggapin ang appointment ng Pangulo, hiniling din umano ni Aiza na siya ay isailalim sa pagsasanay dahil gusto niya talagang makatulong sa burukrasya.

Kung wala tayong narinig na pagtutol sa appointment ni Aiza, medyo malakas ang higing ng bulungan sa pagkakatalaga kay Ms. Liza sa Film Development Council of the Philippines.

Si Liza, isang actress, chef at beauty queen ay nagtrabaho sa Estados Unidos.

Naging actress siya sa napakaikling panahon at hindi na nasangkot sa iba pang gawain patungkol sa pelikula.

Kumbaga, marami ang naniniwala sa showbiz na Liza is not the best person for the position.

Hindi natin alam kung ano magiging kasunod ng appointment na ito ngayong marami ang nagpapahayag ng pag-aalinlangan kay Ms. Liza.

Palagay naman natin ‘e mayroon pang posisyon na mas bagay at mas angkop para kay Liza.

‘Wag nang ipilit kung maganit ang pagtanggap ng mga taga-industriya ng pelikula. Huwag hayaan na malagay sa alanganin at kahihiyan si Miss Liza.

Palagay natin ay hindi rin iyon gugustuhin nina Aiza at Liza.

Paano niya iaangat ang movie industry at workers?

E madalang pa sa patak ng ulan ang gawa ng pelikula ng malalaking producer.

Ang Indie film naman kahit maganda ay hindi nagtatagal ang palabas sa sinehan.

It’s really a big challenge for Ms. Liza Diño Seguerra

Sa posisyong ibinigay sa kanya.

Anyway, good luck at hangad natin ang tagumpay ninyo sa inyong bagong karera.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *