Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Disenteng trabaho alay sa Parañaqueño (Mega job fair 2016)

PATULOY ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City para iangat at bigyan ng disenteng pamumuhay ang kanilang constituents.

Sa pamamagitan ng paglulunsad ng Mega Job Fair naniniwala si Mayor Edwin Olivarez na unti-unti ay makikita ng mga kabataan ang kahalagahan ng edukasyon at hanapbuhay.

Bukas  Biyernes (19 Agosto 2016), mula 8:00 am hanggang 4:00 pm, gaganapin sa Parañaque City Hall ang unang araw ng Mega Job Fair.

Sa Sabado (20 Agosto 2016), mula 9:00 am – 4:00 pm, gaganapin naman ang job fair sa SM Muntinlupa, Muntinlupa City.

081816 Parañaque job fair

Nitong mga unang linggo ng Agosto ay ikinalat na sa iba’t ibang barangay at sa city hall mismo ang mga tarpaulin, streamers at leaflets para makarating sa mga Parañaquero ang panawagan na lumahok sa nasabing mega job fair.

Para sa pre-registration, ang  mga aplikante ay pinaalalahanan na magdala ng dalawang (2) kopya ng resume, voter’s ID o kahit anong valid na identification card (ID).

Sa mga dating aplikante, dalhin ang inyong PESO identification card, dalawang resume sa PESO Parañaque, 4/F Left Wing, City Hall Building  San Antonio Valley 1, Sucat, Parañaque City.

Sa pamamagitan ng job fair, hindi na kailangan ‘magpudpod’ ng sapatos ng isang aplikante para makahanap ng trabaho.

Ano pa hinihintay ninyong mga aplikanteng taga-Paranaque? Ihanda ang inyong resume at valid ID para sa disenteng trabaho…

See you there!

PAKYAWAN
SA “MECO”

081816 MECO

Parang ginawa raw ‘tambakan ng utang’ ni President Rodrigo “Digong” Duterte ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan.

Lahat raw kasi ng mga ‘paki’ sa kanya na mukhang hindi niya kayang ilagay sa iba’t ibang tanggapan ay inilagay niya sa MECO.

Nandiyan ngayon si dating National Food Authority (NFA) Administrator Lito Banayo.

Ang utol ni dating President Fidel Ramos na si dating Senador Leticia Shalani.

Isang si Gilbert Lauengco at Rommel Sytin, ang kasalukuyang presidente ng Foton Philippines.

Si Lauengco ay chief of staff ni Banayo noon sa NFA. Magkasama sila ni Banayo nang pumutok ang maraming issue sa NFA at nasampahan pa ng kaso.

Si Sytin, isa sa malaking contributor umano ni VP Jojo Binay nitong nakaraang eleksiyon.

Nakapagtataka na siya ay mabilis na nakatawid sa admininistrasyon ni Duterte.

Habang si Senator Letty Shalani, kamakailan lang ‘e napaka-kritikal niya sa pagtawag ni Digong kay Ambassador Goldberg na bakla, ngayon  ay naging taga-MECO na (naman)?!

Ganoon lang pala kabilis magpalit ng kulay?

Tsk tsk tsk…

Ingat-ingat po, Mr. President at baka makanal kayo sa mga appointee na hindi ninyo masyadong nakikilala…

Paalala lang po ang sa atin.

IO ALDWIN PASCUA
NAGLAMIYERDA WITHOUT
TRAVEL AUTHORITY?!
(ATTN: SOJ VITALIANO AGUIRRE)

070516 immigration

Isang dokumento ang aming natanggap.

Ang dokumento ay kaugnay ng travel sa abroad ng isang kawani ng Bureau of Immigration (BI) kahit na-deny ang kanyang application for travel authority.

Watapak! Pak! pak!

Malaking kasalanan sa batas ‘yan!

Nakasaad sa airline manifest na bumiyahe ang isang ALDWIN PASCUA sa Thailand sakay ng Cebu Pacific flight 5J929 araw ng Huwebes, June 9, 2016.

Kapangalan lang kaya siya ni Immigration Officer Aldwin Pascua?

Ganoon din ang kanyang pag-alis sa Ho Chi Minh City, Vietnam noong June 15, 2016 sakay pa rin ng Cebu Pacific flight 5J 752!

Sonabagan!!!

Nagbiyahe despite disapproved ang kanyang travel authority?

Ang tindi mo bata!!!

Hindi ba gross insubordination ‘yan?! And that is a ground for dismissal from the service!

Tsk tsk tsk!

Mukha talagang may pagka-astig at pasaway si IO Aldwin Pascua?!

Baka naman may kapit sa itaas kaya gustong subukan ang powers ni BI Comm. Jaime Morente at SOJ Vitaliano Aguirre?!

Hindi rin dapat palampasin ang insubordination na ito kaya dapat lang paimbestigahan agad kasama ang immigration officer sa counter na dinaanan nang siya ay bumiyahe.

Ang info kasi, hindi rin daw ini-encode sa Border Control Information System ang travel nitong si IO Paksiw ‘este Pascua kaya maliwanag na may mga kasabwat siyang IO, TCEU pati na Bisor sa area ng NAIA terminal 3!

Comm. Jaime Morente, napakaganda siguro kung si Pascua ang una mong masampolan at makastigo sa bureau!

I’m sure hindi papayag ang Secretary of Justice na palampasin ang pangyayaring ito.

AOR NG MPD MALATE
‘BUKAS’ NA RAW?!

080416 police bagman money

MARAMI ang nagulat sa pinapuputok na balita ng bagong tropa ng matutuli ‘este mga pulis ngayon diyan sa Malate area na open as in bukas na raw sila sa vices.

In short, largada na ang illegal gambling, prostitution at kotongan sa AOR ng MPD PS-9?!

Sonabagan!!!

Ang nagdeklara raw ng ‘bukas’ na sila ay si “the most talented bagman cop” ng MPD na si alias TATA PAKNOY?!

MPD PS-9 commander P/Supt. Odrada, totoo ba ang impormasyon na ito??

MARCOS
TUNAY NA SUNDALO
— JURADO

081016 marcos libingan bayani

DEAR Sir:

Kung hindi ko pa nabasa ang kolum ni G. Emil Jurado sa Manila Standard na may petsang Agosto 17, 2016 at may pamagat na “Law and the greater good” ay may konting bahid na agam-agam ako na tunay nga bang sundalo si dating Pangulong Marcos?

Ayon sa kolum ni G. Emil Jurado tunay ngang sundalo si Marcos dahil ang dalawang kapatid niyang si Willie at Desi Jurado,  ang makapagpapatunay na sundalo nga si Marcos na may ranggong Major. Nakita mismo ni G. Emil Jurado si Marcos sa Camp Spencer, Luna, La Union kung saan ang dalawa niyang kapatid ay kasama nito at doon sila nagkukuta.

Ngayon meron pang nabubuhay na witness na siyang makapagpapatunay na sundalo nga si Marcos.  Nasaan ngayon mga taong nagsasalita na fake na sundalo si Marcos?

Bago kasi maniwala alamin muna kung saan nanggagaling ang balita kung ito ay anti-Marcos, haters of Marcos o Aquino lovers? Siyempre hahadlangan nila ang lahat huwag lamang mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayun sumugod na sa Supreme Court. Abangan natin ang kahihinatnan ng kanilang mga oral arguments.

RONEL  A.  ALAGAR
Pasig City
[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *