UMAKYAT sa walo ang patay dahil sa pananalasa ng malakas na pag-ulan bunsod ng habagat na nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa bansa.
Iniulat ni National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) Executive Director at Undersecretary Ricardo Jalad, dalawa ang naitalang namatay sa Metro Manila, dalawa sa General Nakar sa Quezon province nang mag-collapse ang tunnel doon habang nagpapatuloy ang retrieval operations.
Dalawa ang patay sa Quezon City, isa sa Iloilo at isa ang casualty sa Palawan.