Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Luggage ni VP Leni Robredo nagasgas daw sa airport?

NAGPAPANSIN (in English, called the attention) sa Manila International Airport (MIAA) at Cathay Pacific airlines si Vice President Leni Robredo dahil nagasgasan umano ang kanyang dalawang luggage.

Ang deskripsiyon nang ihatid sa tanggapan ni Madam Leni ang kanyang luggages nitong nakaraang Huwebes ‘e “with a lot scratches and dents.”

(Na-delay ba ang kanyang bagahe at ipinahatid ng airline?)

At sabi ng kanyang presidential aide na si Lt. Danilo Vidad mayroon pa raw mga pagtatangkang buksan ang luggages ng VP pero mukhang nabigo sila.

Wattafak?!

Mukhang gustong sabihin ng Bise Presidente ng Filipinas, gusto siyang isama sa bilang ng mga nabibiktima sa NAIA na napagnanakawan ang mga bagahe?

Weee?!

Takot lang nila.

Pero gusto po namin sabihin, Madam Leni, ganyan po talaga  ang nangyayari sa mga bagahe lalo na kung itini-check-in. Normal na magasgasan ang maleta ninyo puwera lang kung stainless ‘yan.

081616 Leni Robredo NAIA MIAA

Baka hindi po ninyo alam na inihahagis ng mga baggage loader ‘yang mga bagahe na ‘yan lalo na sa ibang bansa para mapabilis ang trabaho dahil may hinihintay ngang oras ang biyahe ng eroplano.

Kung ayaw ninyong magasgasan ang luggage ninyo, huwag po ninyong i-check-in, i-hand carry ninyo kaya, Madam Leni.

O kaya palagyan ninyo ng sticker na FRAGILE.

Pero alam ba ninyo, Madam Leni, ‘yung mga tunay na traveller hindi nila inirereklamo ang mga ganyang bagay.

Mas gusto nga nila may scratches and dents ang kanilang luggages kasi ibig sabihin no’n, frequent traveller sila.

Isa pa Ma’m Leni, masyado kaming ‘naiingayan’ sa inyo…

Umalis at dumating ka sa bansa, gusto mo nasa diyaryo ka?!

Magaling siguro kayong PR strategist kung diyan nalinya ang trabaho ninyo.

Sabi nga ng mga bagets, masyadong ‘pabebe’ na ang style ninyo.

Mahilig daw kayong magpapansin…

Malapit na nga raw kayong maging kamukha ni Kris Aquino.

Ay sus!

CALOOCAN CITY
MAYOR OCA MALAPITAN
‘POSITIVE’ KONTRA
ILEGAL NA DROGA

PATULOY ang pagsisikap ni Mayor Oscar Malapitan na linisin at ayusin ang lungsod ng Caloocan.

Lumalabas kasi na “gate” of CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) ang Caloocan City.

Kapag galing kasi sa Maynila, Quezon City at North Expressway (NLEx), ang Caloocan ang unang siyudad na mabubungaran.

Kaya malaking effort ang kailangan ni Mayor Oca para laging kaaya-aya ang Caloocan sa mga “transient” from North, QC & Manila.

Isa na nga sa effort na ito ang masiglang pakikilahok ni Mayor Oca sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.

Bilang Ama ng lungsod, siya ang unang sumalang sa drug test kasunod ang iba pang elected officials, department heads at mga empleyado ng city hall.

Isinagawa ng mga personnel ng Biomedics Medical Clinic ang nasabing drug test.

Kung sino man ang maging ‘positive’ agad isa-subject sa rehabilitation program habang pag-dedesisyonan pa ang maaaring ipataw na kaukulang parusa.

Hindi lang ‘yan, pinangunahan din mismo ni Mayor Oca ang biglaang inspeksiyon sa mga bar, nightclubs at SPA upang masigurong ang mga may-ari ng establisimiyento ay sumusunod sa building standard at labor codes.

081116 malapitan drug test
PINANGUNAHAN ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang isang biglaang drug test na ginanap sa kalagitnaan ng isang emergency meeting sa loob ng kanyang tanggapan, Martes ng hapon. Ang drug test ay ginawa ng mga personnel ng Biomedics Medical Clinic bilang pagtugon at suporta sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga. Ang alkalde ang nanguna sa pagpapa-drug-test nitong nakaraang Martes kasunod ang mga miyembro ng konseho at ilang department head. “Negative” naman ang naging resulta maging nang confirmatory blood test na isinagawa sa kanila. “Ang iba pang mga department heads at ang lahat ng city employees ay sasailalim din sa ganitong drug test,” ayon sa mayor. Samantala, ang magresulta ng “positive” ay agad isa-subject sa drug rehabilitation habang pagde-desisyonan ang maaaring ipataw na kaukulang parusa.(JUN DAVID)

Tsinek din ng grupo nina Mayor Malapitan kung may health clearances ang mga nagtatrabaho sa mga lugar ng panggabing-aliwan.

‘Yan ay upang matiyak na hindi sila lumalampas sa trabaho nila bilang guest relations officers (GRO) at ligtas sa sexually transmitted diseases.

Sabi nga ni Yorme Oca, “Patuloy naming isasagawa ang biglaang inspeksiyon upang masigurong ligtas ang mga taong nagpupunta sa nasabing mga establisyemento, maging ang mga taong nagtatrabaho. Hindi ako mangingiming ipasara ang mga hindi susunod sa mga alituntuning ipinatutupad ng city hall,” babala ni Malapitan.

Kasama rin niya sa nag-inspeksiyon ang personnel ng Bureau of Fire Protection, upang matiyak na may angkop na fire escape facilities alinsunod sa isinasaad ng Business Permit and Licensing Office (BPLO).

‘Yan ay para para sa pagtiyak na may kaukulang dokumento upang magsagawa ng negosyo; Caloocan City Social Welfare Department (CCSWD), upang matiyak na may health cards ang mga empleyado at walang menor-de-edad ang nagtatrabaho; ang Environmental Sanitation Services, para sa mga sanitation requirements; at ang city administration at lokal na pulisya.

Nakitaang may kakulangan ang ilang mga establisimiyento gaya ng emergency lights para sa fire exit, habang ang ilang daanan kung may sakuna ay nahaharangan. Ang iba naman ay may hindi na gumaganang fire detection at fire extinguishers.

Ang mga empleyadong hindi nakapagpakita ng “pink cards” ay inimbitahan sa tanggapan ng CCSWD upang sumailalim sa pap smear test para mapatunayang wala silang sexually transmitted disease.

Binigyan ng city hall ng 15 araw ang mga nakitaan ng paglabag upang ayusin at itama ang mga kailangan nilang dokumento upang makapagnegosyo at makapag-empleyo.

Good job Yorme Oca!

PCO SECRETARY
MARTIN ANDANAR
SA KAPIHAN
SA MANILA BAY

060916 martin andanar

Bukas po, Miyerkoles, Agosto 17, ganap na 9:00 am ay magiging bisita sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico Malate si PCO Secretary Martin Andanar.

Inaanyayahan po ang mga katoto na dumalo at makilahok sa news forum na ito.

Para lagi kayong updated sa maiinit na isyung tinatalakay sa news forum.

Tara lets!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *