Friday , November 15 2024

Kahit mahirap puwedeng maging piloto — Lacson

KAHIT mahirap o anak ng ordinaryong mamamayan, puwede nang maging piloto ng Philippine Air Force (PAF).

Ayon kay Senador Panfilo Lacson sa sandaling maisabatas ang panukala niyang Senate Bill 259, layong buuin ang Philippine Air Force Academy (PAFA) na tatanggap sa lahat ng kuwalipikadong estudyante na nais maglingkod sa pamahalaan bilang piloto ng PAF.

“The PAFA will fulfill the constitutional mandate of guaranteeing equal access of opportunity for public service, while professionalizing other career areas of the PAF such as aircraft maintenance, avionics and air logistics,” paliwanag ng mambabatas sa kanyang panukala.

Binuo niya ang nabanggit na panukala upang magkaroon ng isang institusyon ang pamahalaan para mas makahubog ng mga piloto na may dedikasyon sa serbisyo sa pagtatanggol sa bayan.

“The PAF Academy as conceptualized, is geared towards making available an adequate and dedicated corps of professional Air Force officers with the proper education, training and orientation to lead and manage the complex technologies inherent in the field of aviation,” banggit ng mambabatas.

Sa ngayon, ang Philippine Military Academy (PMA) ang tumatayong institusyon ng pamahalaan na humuhubog sa mga magtatanggol sa gobyerno laban sa masasamang elemento ngunit walang sapat na pagsasanay para sa mga gustong maging piloto.

Maging ang flying school ng PAF ay hindi na kayang ipagkaloob ang mga pagsasanay sa mga piloto ng kasalukuyang henerasyon.

“The PAF Flying Schools (PAFFS), presently the main source of regular PAF officers, could no longer provide the required number and proper training of officer pilots due to inadequate facilities and logistical support. It also requires a college degree, keeping poor Filipinos from serving in the PAF,” paliwanag sa naturang panukala.

Ang sistema na gagamitin sa pagtanggap ng mga mag-aaral sa PAFA ay kahalintulad sa ipinaiiral ng PMA, na lahat ng gastos ay babalikatin ng gobyerno.

( CYNTHIA MARTIN )

About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *