ANG healing power ng green colour ay may kaakibat na malakas na energy work.
Mabilis nitong pinadadalisay at inia-align ang inyong enerhiya, kasabay nito, naglalabas ng ‘love of life’ at adventure sa araw-araw na pamumuhay.
Ang kulay na luntian ay madalas na iniuugnay sa mayabong at malusog na enerhiya ng Mother Earth, kaya kapag napili ang green gemstone, ini-align n’yo ang inyong sarili sa healing energy ng kalikasan.
Ang green colour stones ay ginagamit sa paghikayat ng yaman at kasaganaan, gayondin para mapagbuti ang kalusugan at mapalakas ang enerhiya (Chi)
Maraming green stones na maaaring piliin, mula sa expensive emerald hanggang sa affordable peridot, malachite, vivianite, green jade, flourite gayondin ang green garnet o green amber.
Dahil ang luntian ang kulay na iniuugnay sa heart chakra, ang pinakamabisang paraan nang pagsusuot ng green tourmaline ay bilang kuwintas, pendant, beads o brooch.
ni Lady Choi