Monday , December 23 2024

Bus driver patay 7 sugatan (Nahulog sa bangin)

NAGA CITY – Patay ang isang driver habang sugatan ang pitong pasahero kasama ang isang-taon gulang na sanggol nang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus sa ba-yan ng Libmanan, Camarines Sur.

Nabatid na habang bi-nabaybay ng Silver Star Bus na minamaneho ni Rogelio Joven, Jr., ang kahabaan ng Maharkila Highway sa Barangay Tinaquihan sa nasabing bayan, biglang lumi-yab ang bus.

Dahil dito, nataranta ang driver at inatake sa puso kung kaya nawalan ng kontrol sa sasakyan at tuluyang nahulog sa bangin na may lalim na anim na metro.

Nasugatan ang driver at mga pasahero kasama na ang isang-taon gulang na sanggol na agad naitakbo sa ospital ngunit si Joven ay idineklarang dead on arrival.

Pinaniniwalaang nagkaroon ng problema sa makina ng bus kung kaya nasunog ito.’

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *