Thursday , December 26 2024

Ibang bahay ni Espinosa baka may droga rin

DAPAT siyasatin ng mga awtoridad ang ibang mga bahay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., upang matuklasan kung may mga droga rin na nakaimbak sa loob nito.

Hindi biro-biro ang 11 kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P88 milyon na nadiskubre ng mga elemento ng Police Regional Office 8 na pinamumunuan ni Chief Supt. Wilben Mayor kamakailan sa ancestral house ni Espinosa sa Albuera.

Bukod diyan may mga gamit na pampasabog pa silang nakita sa naturang bahay.

Maaalalang itinanggi ni Espinosa noon na isa siyang drug lord. Kung totoo ito, bakit nakatago ang 11 kilo ng shabu sa kanyang bahay? Natagpuan ng mga awtoridad ang shabu sa mga cabinet ng kusina. Sa ibang bahagi naman ng bahay nila nakita ang mga pampasabog.

Nalaman daw nila na maraming shabu na nakatago sa bahay ni Espinosa mula sa mismong mga tauhan nito na naaresto sa mga naunang operasyon. Ito ang nagtulak sa kanila para kumuha ng search warrant mula sa korte.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, kinasuhan na si Espinosa at ang kanyang anak na si Ronan alyas “Kerwin” ng pagbebenta ng ilegal na droga at illegal possession of firearms, ammunition at explosives noong Agosto 4. Ang pagkakatuklas sa droga at pampasabog sa raid kamakailan ay nangangahulugan ng karagdagan pang kaso laban sa kanila.

Dapat matiyak kung tunay nga na sangkot sa bawal na droga ang mga personalidad na ibinunyag ni Pres. Rodrigo Duterte sa kanyang listahan na kinabibilangan ng mga huwes, local officials, pulis at militar sa lalawigan.

Kapag nakompirmang sabit nga sa droga ang mga damuho, mga mare at pare ko, ay panagutin sila sa kanilang kagaguhan upang hindi na gayahin ng iba pa.

Parusahan!

Duterte: Banta

ng ISIS paghandaan!

NAGBABALA si Pres. Rodrigo Duterte nang humarap sa 1st Infantry Division ng Phil. Army na dapat paghandaan ang matinding banta sa seguridad ng Filipinas, na maaaring idulot ng pagdagsa ng mga teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa susunod na tatlong taon.

Hindi raw dapat balewalain ang banta ng ISIS at ang ginagawa nilang pag-recruit ng mga bagong kasapi, lalo na ng mga rebeldeng Muslim mula sa Mindanao.

Tinukoy ng Pangulo na may mali sa takbo ng kaisipan ng mga miyembro ng ISIS.

Pumapatay sila nang walang kuwestyon o nanununog ng mga tao hanggang sa masawi nang walang dahilan. Hindi sila namimili ng imamasaker, sibilyan man o militar.

Magtagumpay man o hindi ang isinusulong ni Duterte na usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista at Muslim ay dapat palakasin ang ating militar at ang kanilang mga kagamitan. Bukod sa banta ng ISIS, mga mare at pare ko, alalahanin na nariyan din ang damuhong China na walang tigil ang pambubuwaya sa ating teritoryong pangkaragatan.

Tandaan!

BULL’S EYE – Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *