NAKITA namin noong Sabado ng gabi sa opisina ng producer na si Kate Brios ang maganda at kaakit-akit na si Jef Gaitan at hindi pala niya alam na kasama siya sa 100 Sexiest Women ng isang men’s magazine kaya hindi siya nakarampa.
“Kasi ‘yung ipinakita ko roon, hanggang doon na lang, wala na akong maipakikitang iba pa o mas higit doon,” diin ni Jef.
Oo nga naman at saka napatunayan na niyang seksi at tama na iyon. Mas nagko-concentrate ngayon si Jef sa acting. In fact, kasama siya sa katatapos pa lang na teleseryeng Super D. Kasama rin siya sa Tonyang Ermitanya na bagong pelikulang ginagawa ng producer na si Brios. Bukod dito ay may isa pa siyang nagawang pelikula, ang Miracle of Forever .
Sa tingin ko, kayang-kaya pang lumaban ni Kate sa paseksihan dahil hanggang ngayon, nananatiling maganda ang hubog ng kanyang katawan at ang amo-amo ng kanyang mukha.
MAKATAS – Timmy Basil