AGAD dumepensa si Sen. Manny Pacquiao makaraan kompirmahin na tuloy ang muling pag-akyat niya sa ring sa Nobyembre ngayong taon.
Una nang napili ni Pacman na labanan ang American boxer na si Jessie Vargas.
Ito ay sa kabila na nag-anunsiyo siya noong huling laban kay Timothy Bradley, na magreretiro na siya.
Ngunit sinasabi ngayon ni Manny, ang boxing daw ang pangunahing source ng kanyang ‘income.’
Aniya, hindi sasapat ang kanyang kinikita bilang isang senador ng bayan.
Paliwanag ng mambabatas, maraming mga kababayan ang humihingi sa kanya ng tulong at hindi niya maaaring balewalain.
( CYNTHIA MARTIN )