PATAY ang apat miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa enkwentro sa ilang mga tauhan ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Brgy. Tanjung, Kalinggalang Caluang, Sulu, dakong 7:00 am kahapon.
Kinilala ang dalawa sa mga napatay na sina Jennor Lahab at Jim Dragon habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa pa.
Naganap ang bakbakan sa gitna ng negosasyon sa harap ng kampo ng MNLF para sa paglilipat ng kustodiya sa mga hawak na bihag ng bandidong grupo.
Sinasabing ang grupo ng MNLF na pinamumunuan ni Ali Julkipli, ang nakasagupa ng mga tao ni ASG sub-leader Alhabsy Misaya.