KUNG minsan, kawawa naman ang isang artistang nakapagbibigay ng isang opinion na taliwas sa kagustuhan ng iba. Pero sa palagay namin ang isang tao ay may karapatan namang sabihin kung ano ang nasa isip niya. Minsan nga lang napaka-unfair sa mga artista kasi lahat ng sabihin nila pinalalaki ng iba.
Actually, hindi namin nalaman ang simula ng kaguluhan, hanggang sa may magsabi nga sa amin na tungkol daw iyon sa isang post ni Maine Mendoza sa kanyang social media account, na sinabi niyang kung siya ang tatanungin hindi siya basta susunod sa kagustuhan ng ibang tao lalo na at wala naman iyon sa loob niya. Looking at the positive side, makikita mo sa post na hindi plastic si Maine. Kasi ang sinasabi niya hindi siya mapipilit na gumawa ng isang bagay o makikipagmabutihan sa kung sino mang tao dahil lamang sa kailangan ng kanyang career.
In the first place, may point si Maine eh, hindi siya gumamit ng maski na sinong tao para marating ang kanyang kasikatan ngayon. Ni hindi naman inisip na i-build up siya talaga eh. Sumikat siya nang husto kaya lang siya pinasikat na lalo. Kung may utang na loob man si Maine, siguro sa kanyang TV show lang.
Walang ibang mga kingpins na nagpasikat sa kanya. Hindi masasabi iyon ng kahit na sino. Kami man eh, namalayan na lang naming sikat na si Maine kasi pinag-uusapan na ng lahat. Hindi plano ang pagpapasikat sa kanya talaga. Nangyari iyon dahil sa reaksiyon ng mga tao sa kanya.
Kung iisipin pa, kinuha naman siya sa show dahil sa mga ginagawa niyang dubsmash, na marami na ring following sa social media. Kaya nga ang ginawang character niya ay si Yaya Dub, para maalala ng mga tao basta nakita siya na iyan nga pala iyong gumagawa ng mga dubsmash sa social media.
Nagbigay si Maine ng kanyang opinion. Entitled naman siyang magsabi kung ano man ang gusto niyang sabihin. May freedom of expression naman tayo eh. Kagaya rin naming mga nasa media na kung minsan nakapagbibigay ng opinion na taliwas sa gusto ng iba, may karapatan din naman ang mga artista na magsalita ng ganoon. Hindi ba naman?
HATAWAN – Ed de Leon