TUGUEGARAO CITY – Patay ang vice mayor ng bayan ng Pamplona, Cagayan makaraan pagbabarilinn ng dalawang hindi nakilalang lalaki kamakalawa ng gabi.
Ayon sa PNP Pamplona, agad silang nagtungo sa lugar at nadatnang patay na si Vice Mayor Aaron Sampaga sa bahay ng isa niyang kaibigan sa Brgy. Masi.
Ayon sa PNP, dumaan sa river control ang mga suspek at doon din tumakas makaraan ang pamamaril sa vice mayor.
Hinabol ng mga pulis ang mga suspek ngunit hindi na nila naabutan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinada ng mga suspek ang anim na kasama ni Sampaga bago pinagbabaril ang opisyal.
Sa ngayon, nagsasagawa pa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad sa dalawang salarin.
Puspusan din ang ginagawang imbestigasyon upang malaman kung sino ang nasa likod ng insidente at motibo sa krimen.