Friday , December 27 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bakit maraming nagpa-panic kay Mocha?

MGA insekyur!?

‘Yan siguro ang dapat itawag sa mga tutol na tutol kamakalawa nang pumutok sa social media ang pagpili kay Ms. Mocha Unson bilang Customs social media consultant.

Ano ba talaga ang ikinaiinggit ninyo kay Mocha, mga insekyur?

Consultant nga lang. Hindi permanent position sa customs at lalong hindi magkakamal nang malaking salapi!

E ‘di mas lalo na kung si Presidente Digong ang nag-appoint kay Mocha sa isang government position?! Tiyak na mas grabeng kritisismo ang inabot no’ng tao.

May pruweba na si Mocha bilang social media consultant dahil nakatulong ang kanyang mga estratehiya (blog) para kagatin ng masa ang kanyang kampanya pabor kay Duterte noong presidential elections.

080616 mocha duterte customs

Don’t judge the book by its cover, sabi nga. Hindi komo ganyan manamit si Mocha ‘e walang kuwenta siyang tao.

Kung tutuusin, mas ‘totoong’ makiharap si Mocha sa kanyang mga kababayan at sa kanilang audience.

Hindi niya kailangan magkunwari para lamang magustuhan siya nang maraming tao.

Wala rin tayong nababalitaan na humihingi siya ng puwesto o pabor kay Pres. Digong.

‘Yun lang po!

Inilalaylay ang kababaihan…
HINDI NAUUBUSAN
NG GIMIK PARA MAGPAAWA EPEK
SI VP LENI ROBREDO

073116 Leni Robredo plane

EKSPERTO ba talaga sa ‘pagnanakaw ng emosyon’ o panghihingi ng awa at simpatiya ang kampo ni VP Leni Robredo?

Sumasakay ng bus pauwi sa Naga pero may lumalabas na video sa social media. Dumaraan nang palihim sa likod ng gusali ng House of Representatives pero nakukuhaan naman ng retrato.

Ngayon naman, tumitirada ng #pisoparakayleni para raw sa gastusin at pagkuha ng abogado laban sa asuntong isinampa laban sa kanya ni Sen. Bongbong Marcos sa Korte Suprema.

Hinihikayat ng kanyang kakampo sa Liberal Party na si Edwin Lacierda ang 14.4 milyong Filipino na bumoto umano kay Ms. Leni na mag-ambag ng tig-piso para raw sa laban kay Bongbong Marcos.

Hakhakhakhak!

Wattahek!?

Bakit naman ang laking halaga?

Mantakin ninyo, sa tig-piso ay aabutin din ‘yan ng P14.4 milyon?!

Bakeeet?

Si Leni ba ang umasunto at nagko-contest sa resulta ng vice presidential election para kailanganin niya ang ganoon kalaking halaga?

Bakit kaya pumapayag si Ms. Leni na kasangkapanin siya ng kanyang mga kapartido para makaabante sa propaganda?!

Hindi raw siya nayanig sa asuntong isinampa ni BBM. Mas nabahala raw siya sa gagastusin niya sa kaso.

Weee? Hindi nga?! Bakit?

Expensive ba ang PF (professional’s fee) ng iyong election lawyer na si Atty. Romulo Makalinta ‘este Macalintal?

By the way, hindi ba’t abogado rin si Ms. Leni? Ganoon din si dating presidential spokesperson Edwin Lacierda?!

Hindi ba nila kayang depensahan ang asuntong isinampa ni Bongbong Marcos laban sa sinasabi nilang boto ni Ms. Leni?

Tantanan naman ninyo ang ‘damdamin’ ng sinasabi ninyong 14.4 milyon na bumoto sa inyo.

Ang lakas ninyong maka-emotional blackmail! Ibinoto at naipanalo (kuno), gusto pang kikilan?!

Tantanan naman ninyo ang panloloko sa damdamin ng mamamayan!

Tama na ang pa-eklat!

NAGPAPASALAMAT
SA ATING PANGULO

SIR Yap, ako po ay maybahay ng enlisted personnel ng Philippine Army at ang aking asawa ay magdadalawang taon nang nakabase sa Mindanao. Ngayon pa lang ay lubos na ang aking pasasalamat kay President Duterte dahil sa kanyang pag-aalala sa kapakanan ng mga sundalo. Ang ipinangako niyang pagpapatayo ng bagong building at modernong kagamitan para sa AFP medical center ay napakalaking tulong sa pamilya at sa mga sundalo na itinataya ang buhay para sa bayan. Kahit paano ay napawi ang aking pag-aalala dahil mismong sa pangulo nanggaling ang suporta, high morale talaga at masaya ang aming pamilya lalo nang mapanood namin sa balita ang pagbisita niya sa AFPMC. Sinsero at totoong tao at masasabi ko na di nasayang ang boto ko kay President Duterte.

Carmela M. Acosta
Tanay, Rizal

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *