MAGLALABAS ng guidelines ang Dangerous Drug Board (DDB) kaugnay sa patuloy na isinasagawang “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay bilang proteksiyon sa sumusukong drug pushers at users.
Sinabi ni DDB chair Felipe Rojas Jr., isa sa naiisip nilang paraan ang posibleng paglalagay ng mga abogado para lubusang maintindihan ng drug pushers ang ginagawa nilang pagsuko.
Dagdag ni Rojas, ito ay para mas maging epektibo ang pagpapatupad ng PNP sa nasabing programa.