Friday , November 15 2024
knife saksak

Binatilyo sinaksak sa harap ng nobya

MALUBHANG nasugatan ang isang 18-anyos out of school youth (OSY) makaraan pagtulungan saksakin sa harap ng mismo ng kanyang kasintahan ng tatlong nangursunadang mga suspek sa Navotas City kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang  si Markphil Cruz, ng #49 Ignacio St., Bacog, Tabing Dagat, Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod.

Habang nakapiit sa detention cell ng Navotas City Police ang dalawa sa tatlong suspek na si Lucky Presquito, 21, ng Medium Rise Bldg., Kadiwa St., Brgy. San Roque, at ang 17-anyos binatilyo na dinala sa pangangalaga ng DSWD,  samantalang pinaghahanap ang kasama nilang si alyas John-John.

Sa imbestigasyon ni PO2 Allan Bangayan, dakong 12:30 am kasama ng biktima ang kanyang kasintahan na si Jacklyn  Guerrero at ilang kaibigan nang bigla silang harangin ng mga suspek.

Kinursunada ng mga suspek ang grupo ng biktima hanggang sa magrambolan na humantong sa pagsaksak sa binatilyo.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *