Saturday , November 16 2024

NPA may drug rehab sa Davao Oriental

PINURI ng isang prisoner of war (POW) ng New People’s Army (NPA) na opisyal ng Philippine National Police (PNP), ang minamantineng drug rehabilitation sa loob ng kampo ng mga rebelde sa Davao Oriental.

Sa isang video message na inilabas ng National Democratic Front (NDF), inilarawan ni Governor Generoso, Davao Oriental  chief of police Arnold Ongachen, na isa nang POW, ang kampanya NPA ng rehabilitasyon ng drug users.

Umapela rin siya sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na tigilan na ang kanilang rescue operations at bigyan daan ang pagbuhay sa negosasyong pangkapayapaan.

Si Ongachen ay dinukot ng NPA noong nakalipas na Mayo 29 dahil sa sinasabing pagkakasangkot sa illegal drus.

Inilahad ni Ongachen, natuklasan niya sa pananatili sa kampo ng NPA na may mga bihag ang mga rebelde, iyon pala’y drug users na isinasailaim sa rehabilitasyon.

Ayon kay Rigoberto F. Sanchez, spokesperson of NPA- Southern Mindanao Regional Operations Command (SMROC), ang rehabilitation drive ay bahagi ng kanilang kampanya upang mailigtas ang mga biktima ng illegal drugs.

“The NPA’s drug campaign complies with our revolutionary justice system, which adheres to our class analysis. We differentiate poor drug users who are clearly victims of drug abuse from those who are perpetrators of the rampant drug trade. It has long been the policy of the Red Army to rescue these victims and rehabilitate them through political education,” ani Sanchez.

Nasa interes aniya nang naghaharing uri na maging drug addicts ang mga kabataan upang mailayo sila sa pagsusulong ng rebolusyon kapag natuklasan ang ugat ng kahirapan ng bansa.

“We undertake punitive action against big politicians, individuals and armed forces such as the AFP and the PNP who are involved in this menace. As in the case of the PNP in Gov. Generoso in Davao Oriental, we launch tactical offensives against drug trade protectors to dismantle their network of operation,” dagdag pa niya.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang kaugnayan ni Ongachen sa sindikato ng droga kaya nakapiit pa rin siya sa kampo ng NPA, ani Sanchez.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *