Friday , November 15 2024

Korona ng patay ipinadala kay Eleazar (Pagkatapos sibakin ang QCPD-DAID)

ISANG linggo makaraan pagsisibakin ni Quezon City Police District (QCPD) director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang buong puwersa ng District Anti-Illegal Drug (DAID), nakatanggap ng pagbabanta sa buhay ang opisyal.

Ito ay makaraang padalhan ng korona ng patay si Eleazar sa kanyang tanggapan sa General Headquarters ng QCPD sa Camp Gen. Tomas Karingal, Sikatuna Village, QuezonCity.

Ngunit ayon kay Eleazar, hindi na niya nakita ang korona na iniwan sa harapan  ng main building ng headquarters sa ikatlong palapag ang opisina ng director.

Magbubukang-liwayway nang makita ang korona, sinasabing nakasulat ang pangalan ni Eleazar ngunit ayon sa opisyal, hindi na niya inaksaya pa ang kanyang oras para tingnan ang bulaklak.

Sinabi ni Eleazar, bahagi na ng kanilang trabaho ang mga ganitong insidente.

Ngunit aniya, baka naligaw lang ang bulaklak  at ito ay para sa nalalapit na paggunita sa Quezon City day o kaarawan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon  sa Agostos 19.

“Bahagi na ito ng aming trabaho. Wala ‘yan. Basta ako at ang buong puwersa ng QCPD ay hindi hihinto sa ipinatutupad na kampanya laban sa droga at paglilinis sa hanay ng pulisya,” ani Eleazar.

“Actually, lalo kong pagpupursigihan ang trabaho laban sa droga. I taking this threat as a challenge. Wala ‘yan. Isa lang din ang ibig sabihin nito, talagang naapektohan na sila sa kampanya ni Pangulong Duterte, at ni Chief PNP laban sa droga. Tuloy ang laban,” dagdag ni Eleazar.

Kaugnay nito, iniutos din niya ang imbestigasyon kung paano nakapasok ang nagbagsak ng bulaklak sa kampo.

( ALMAR DANGUILAN )

CHINESE DRUG LORD ITINUMBA SA NAVOTAS

ISANG lalaking Chinese looking na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang patay at may nakapaskil na “Chinese Drug Lord Ako” sa lungsod ng Navotas kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 2:30 am nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa C-3 Road, Sawata, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS).

Inilarawan ng pulisya ang biktimang nasa 40-50 anyos, 5’6″ ang taas, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng puting polo shirt, itim na pantalon at may itim na face mask.

Ayon kay Navotas City Police chief, Senior Supt. Dante Novicio, tadtad ng tama ng bala sa katawan ang biktima, nakaposas ang mga kamay at natagpuan malapit sa bangkay ang isang piraso ng karton na may nakasulat na “Chinese Drug Lord Ako.”

Narekober din ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng insidente ang pitong basyo ng bala at dalawang kuping punglo na palatandaang maaaring doon mismo pinagbabaril ang biktima.

 ( ROMMEL SALES )

2-anyos bata inagaw
TULAK PINATAY NG CDS SA LAMAYAN

INAGAW ang kargang 2-anyos bata at ipinasa sa isang residente saka pinagbabaril ang isang 56-anyos lalaking hinihinalang tulak ng pinaniniwalaang mga miyembro ng Caloocan Death Squad sa Caloocan City kahapon.

Base ito sa pahayag ng ilang nakasaksi sa pagpatay sa biktimang si Roger Rubio alyas Kambal, residente ng Tambakol St., Dagat-Dagatan, Brgy. 28 ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat dakong 5:45 am, nagsusugal ang biktima sa burol ng isang kapitbahay sa Tuna at Tawilis streets karga ang isang bata nang lapitan siya ng tatlong lalaking naka-bonnet.

Biglang inagaw ng isa sa mga suspek ang bata  at ipinasa sa isang residente habang ang dalawang lalaki ay hinawakan siya sa dalawang kamay at idinapa sa kalsada.

Inutusan din ng mga suspek ang mga taong naroroon na dumapa at pagkaraan ay pinagbabaril ang biktima sa ulo.

“Ayaw mo pang tumigil ha,” pahayag anila ng isa sa mga suspek.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo.

( ROMMEL SALES )

PUSHER PA UTAS SA PARAK

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa “Oplan Galugad” sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Agad binawian ng buhay ang suspek na si Juan Umagto, Jr., 33, ng 43 Mariano Ponce St., Alley 5, Brgy. 132 Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Ayon kay Caloocan City Police chief, Senior Supt. Johnson Almazan, dakong 3:00 pm nang maganap ang insidente sa Mariano Ponce St., ng naturang lungsod.

( ROMMEL SALES )

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *