Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

MelaSon, sinira ng selos

SO, hiwalay na pala talaga sina Jason Francisco at Melai Cantiveros. Nakalulungkot dahil kung kailan sumisipa na ang kanilang careers at saka pa sila nagkahiwalay. Ang direktang maaapektuhan nito ay ang kanilang anak na si Baby Melai na ngayon ay ‘di pa nararamdaman ang paghihiwalay ng  mga magulang pero paglaki nito, at saka niya mararamdaman ang pamilyang hindi buo.

May usapan pala ang mag-asawang Jason at Melai na kapag may project sila, sila lang dapat palagi ang magkasama.

Actually, nagawa naman ito ng paraan noong una. Palagi silang  magkasama maging sa MMK.

Pero ‘di naman sila lang palagi ang nasusunod. Siyempre, pagsasawaan din sila ng mga manonood. Isang malaking negosyo ang telebisyon kaya kailangang i-partner din sila sa iba.

At sa teleserye ni Melai na We Will Survive nag-umpisa ang lahat nang i-partner ang aktres kay Carlo Aquino.

Eh wala namang naging intriga kina Carlo at Melai? Mayroon ba? Na-linked ba sila?

Napunta naman sa Super D si Jason pero parang wala naman siyang asawa or love interest doon.

Anyway, kung pareho nilang desisyon iyon na hindi puwedeng pumartner sa iba, si Melai ang unang nag-break ng protocol, hehehehe.

Actually, noon pa napabalita na hiwalay na sila pero ang palaging sinasabi ni Melai ay normal lang daw sa mag-asawa ang nangyayari sa kanila. Na dumaraan talaga sa kaunting tampuhan, kaunting away pero hindi na nila ito naresolba at humantong na talaga sa totoong hiwalayan.

Malamang, si Baby Melai ay mapupunta kay Melai dahil nasa batas ‘yan na kapag naghiwalay ang mag-asawa, ang mga batang below 7 years old ay awtomatikong mapupunta sa pangangalaga ng nanay.

Hmmm… sayang. Hinayaan nilang masira ang kanilang pamilya dahil lang sa hindi nila napanindigan ang kanilang pinag-usapan na hindi naman  puwede sa network na kanilang pinagtatrabahuan dahil nga kung palagi na lang silang mapapanood na magkasama, nakakasawa na at wala nang bagong makikita sa kanila.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …