CAGAYAN DE ORO CITY – Bangayan sa tribo ang tinukoy ng pulisya na motibo sa pamamaril sa gitna ng lumad wedding sa Sitio Tibugawan, Brgy. Kawayan, San Fernando, Bukidnon kamakalawa.
Inihayag ni San Fernando Police Station commander, Insp. Rham Camelotes, mayroong personal na alitan ang grupo ng isang Aldy Salusad alyas Butsoy sa pamilya ng namatay na si Makinit Gayoran kaya nangyari ang pag-atake.
Napag-alaman, si Gayoran, ilang buwan nang buntis, ay natadtad ng bala mula sa grupo ni Salusad.
Sugatan din ang pito pang biktima na karamihan ay mga bata.