PATUNGO si dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa Germany sa darating na Setyembre
Sinabi ni Arroyo, kanyang balak na ipagamot sa Germany ang iniindang problema sa spine.
Ayon sa dating Presidente, sumasakit pa rin ang kanyang kaliwang braso.
Magugunitang kamakailan lang ay tuluyan nang pinalaya si Arroyo mula sa halos apat na taon pagkaka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center.
Ito ay makaraan ibasura ng Korte Suprema ang kinakaharap na PCSO plunder case ng dating Pangulo.