HINIMOK ni PNP Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang local government units LGUs na pondohan ang pag i-install ng mga CCTV sa kanilang komunidad partikular na sa matataong lugar.
Ito ay makaraan maging susi ang video footage mula sa CCTV sa pagkakilanlan ng road rage suspect na si Vhon Tanto na bumaril at nakapatay sa siklistang biktima na si Mark Vincent Garalde.
Sinabi ni Dela Rosa, kung hindi dahil sa video ay magiging “cluless” ang publiko sa tunay na insidente sa pagitan nina Tanto at Geralde na nagsimula lamang sa simpleng alitan sa trapiko.’