Friday , November 15 2024

‘Shoot-to-kill’ order sa killer ng biker

NAGLABAS ng “shoot-to-kill” order si Manila Police District (MPD) acting director Sr. Supt. Joel Napoleon Coronel laban sa damuhong Philippine Army reservist na walang awang pumaslang sa isang biker na nakaaway niya sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ni Coronel ang suspek na si Vhon Martin Tanto, 39, na naninirahan sa Fraternal St., Quiapo, Maynila. Siya ang pumaslang sa gaming attendant na si Mark Vincent Geralde, 36, matapos nilang magkagitgitan sa kalsada. Nasagi ng kotse ni Tanto ang bisikleta ng biktima.

Sa pahayag ni MPD-Homicide Section chief Sr. Insp. Rommel Anicete, natalo si Tanto nang magkainitan at magsuntukan sila ni Geralde. Sumuko ang suspek at nagkunwaring tanggap nito ang pagkatalo.

Pero akalain ninyong bumalik ang hinayupak sa kotse niyang Hyundai EON para kumuha ng baril, muling lumapit sa biktima na noon ay hinahatak ang bisikleta palayo, at pinaputukan nang malapitan sa ulo.

Ilang ulit pa siyang nagpaputok ng baril kaya tinamaan ng ligaw na bala ang spinal cord

ng estudyanteng si Rocelle Bondoc, 18, na noon ay nagtatapon lang ng basura sa labas ng bahay

nila. Kritikal pa hanggang ngayon ang kalagayan sa ospital.

Ayon sa MPD chief, binigyan naman niya ng pagkakataon na sumuko ang suspek hanggang alas-5 ng hapon noong isang araw. Pero dahil nabigo ang damuhong sumuko ay target siya ngayon ng manhunt operations ng buong puwersa ng MPD na inutos ni Coronel – buhay man o patay.

Mapanganib umano ang suspek dahil armado at puwedeng manakit ng sibilyan o pulis, kaya kailangan mahuli sa lalong madaling panahon. Tatlong baril daw ni Tanto ang nakarehistro sa PNP sa Camp Crame pero wala itong permit to carry.

Iniimbestigahan din nina Anicete kung miyembro si Tanto ng gunrunning syndicate, batay sa pahayag ng mga kapitbahay na nakakikilala sa kanya matapos makita sa CCTV.

Itinatago raw nito ang mga baril sa kotse. Makikipagkita nga raw sa isang kliyente nang maganap ang pamamaril. Kinilala rin ng mga opisyal ng barangay kung saan siya kumuha ng clearance kamakailan.

Ayon kay Anicete, noong Huwebes ay narekober ang kotse ng suspek, ang kulay pulang Hyundai EON na may conduction sticker na MO 3745, sa Purok 3, Anilao, Nueva Vizcaya na iniwan sa kanyang bayaw na si Jonathan Leano. Ang sabi ni Leano, sumakay si

Tanto sa Florida bus na biyaheng Sampaloc-Cubao noong umaga ng Huwebes.

“Hindi namin titigilan ang paghahanap upang mahuli si Tanto. Nakikiusap ang mga kaanak ng biktima na bigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay,” pahayag ni Anicete.

“Makabubuting sumuko na lang siya at panagutan ang nagawang krimen. Sa ngayon ay delikado rin ang kanyang buhay lalo’t may shoot-to-kill order laban sa kanya,” payo ni Coronel.

Pakinggan!

BULL’S EYE – Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *