HINDI man kami imbitado sa thanksgiving party thrown by Alden Richards nitong Martes, but we deemed it best para sa aktor sa gitna ng kontrobersiyang kinapapalooban ng kanyang katambal na si Maine Mendoza.
Sa programang Cristy Ferminute, ipinabasa sa amin ni Tita Cristy ang blog article na isinulat mismo ni Maine na may heading, This is how it works.
Ang computer printout ay may tatlong pahina with Maine defending herself makaraang dinaluhan ni Alden ang advance birthday dinner para kay Tita Cristy sponsored by a Chinese businesswoman-friend.
In summary, hindi nagustuhan ni Maine ang presence ni Alden sa nasabing okasyon considering na ayon umano kay Maine ay numero uno niyang basher ang batikang radio anchor cum columnist.
Diretsong Ingles ang blog article, halatang may pinag-aralan nga si Maine.
Pero may mga bahagi roon na agad nakatawag ng aming pansin. Halimbawa ay ang obvious na reference niya kay Alden pero the way she addressed him ay ginamitan niya ito ng panghalip (pronoun) na “she.”
Kung nagmatapang din lang si Maine sa kanyang pagdedepensa sa sarili, bakit hindi niya diniretsong si Alden ang kanyang pinarurunggitan?
Another line reads: ”I would never conform to the norms of this industry.”Ang tinutukoy ni Maine ay ang pagpi-please ng mga tao.
Ito ang aming opinion. Maine is an entertainer. Therefore, ang trabaho ng isang entertainer ay mag-please ng kanyang audience.
Okey, ihiwalay natin si Maine bilang entertainer from Maine as a private person. Tama siya, she doesn’t need to please anybody.
Pero sa mundo na tinawag niyang punumpuno ng pretensiyon (in a world of “barbies,” ayon nga sa kanya), showbiz man o hindi ang ginagalawan niyang daigdig, there is SUCH a thing as pakikisama.
Ito ang mundo that we interact with people, anumang uri sila, anuman ang antas ng kanilang pamumuhay.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III