Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP QCPD

9 ninja cops dating nakatalaga sa QCPD-SAID (‘Ikinanta’ ng salvage victim)

POSITIBONG  pawang pulis Quezon City at dating nakatalaga sa Station Anti-Illegal Drugs ang “ikinantang” siyam ninja cops nang natagpuang salvage victim na hinihinalang sangkot sa droga nitong Huwebes sa Brgy. Culiat ng nasabing lungsod.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, nag-utos na siya nang masusing imbestigasyon hindi lamang ang pagsasangkot sa droga sa siyam na pulis kundi lalo na ang katauhan at pagkakilanlan ng biktima ng summary execution.

Matatandaan, nang matagpuan ang bangkay ng sinasabing pusher dakong 3:00 am sa Central Avenue, Bgry. Culiat, may karatulang nakapatong sa katawan niya na may listahan ng mga pulis na sinasabing ninja cops, o mga pulis na nagre-recycle ng shabu na nakompiska sa anti-drug operations.

Kabilang sa mga pulis na nabanggit sa listahan sina Capt. Damaso Gayatao alyas Father, PO3 Jojo Torrefiel, PO2 Max Tarafe, PO2 Mike Narag, PO2 Christian Barredo, PO2 Richard Galvez, PO2 Gary Gaerlan, PO1 Balistog at isang Tata Glen.

Kinompirma ni Eleazar, ang walong pulis ay pawang mga aktibong miyembro ng QCPD habang inaalam pa kung sino ang tinukoy na Tata Glen.

( ALMAR DANGUILAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …