Wednesday , November 20 2024

Mystica, napaiyak ang mga nanonood ng Barkong Papel

KAHIT paano ay ramdam pa rin ni Mystica ang epekto ng video na kanyang ginawa expressing her sentiments at sa kanyang disgusto sa tumatakbong president noon na si Rodrigo Duterte.

Nawalan siya ng raket. Ang iba ay ang producers ang kusang nagkansela at ;yung iba naman ay si Mystica na mismo ang nag-cancel due to security reason dahil nga nakatatanggap na siya ng death threats.

Gumawa naman agad ng apology video si Mystica at marahil, narakating ito kay Pangulong Duterte kaya sa ngayon, medyo humupa na ang isyu.

But just the same, damage has been done. Nawalan siya ng raket na sana ay titiba siya dahil kampanya nga.

Ngayon ay unti-unting bumabangon si Mystica at unti-unting sumisigla ang career. Nakatatanggap na ulit siya ng mga show. Mahal ni Mystica ang kanyang trabaho at ito ang kanyang ikinabubuhay.

At mayroon pa siyang nagawang indie film, ang Barkong Papel underSparkling Stars Production na nag-premiere sa Starmall, Las Pinas noong Sabado ng gabi.

Isa itong advocacy film tungkol sa pagkakaibigan, ang mithiin na makatapos ng pag-aaral at ang pagtupad sa pangarap sa buhay at ang pagtalakay tungkol sa OFW.

Si Mystica ay gumanap na nanay ni William Theo. Applauded ang akting ni Mystica sa death scene ni Theo habang nasa entablado at tumatanggap ng kanyang diploma. Revelation din dito ang indie actor at dating modelo na si JC Lazaro na napaka-fresh ang akting at magaling hindi lang sa drama kundi pati sa fight scene.

Kung mabibigyan lang sana ng break sa mainstream itong si JC, pupusta ako, hindi magsisisi ang kukuha sa kanya. Kasama rin dito ang magandang aktres na si Mara Alberto, ang magaling na character actor na si Junar Labrador, Anndrine Agbin, John Kenneth Caro, Lina Rowy, DJ Buddha, Zaito, Axel Fortuno, Clark Aquino, Chino  Sabile, Kiel Lloyd Isip at mga workshopper ng Sparkling Stars Production sa direksiyon  ng batambatang si Skylester dela Cruz  at ang mga producer ay sina Johnny Mateo at Jaime dela Cruz.

Pagkatapos ng premiere night (na in fairness punumpuno ng tao at tayuan talaga) namumugto ang mga mata ni Mystica. Pati ako ay iyak ng iyak din.

Para akong nanood ng MMK.

“This movie is highly recommended. Ito ang natatanging pelikula na nagawa ko na napaiyak ako ng sobra-sobra. Tungkol sa pamilya rin kasi ang movie at tagos ito sa puso ko ngayon lalo na sa mga panahong ito, wala akong pamilya, malayo ako, tanging si Throy Montez lang ang pamilya ko ngayon,” sabi ni Mystica.

MAKATAS – Timmy Basil

About Timmy Basil

Check Also

Nova Villa Noel Trinidad Tessie Tomas

Asawa ni Nova 7 taon nang nasa banig ng karamdaman 

RATED Rni Rommel Gonzales SA loob ng kung ilang dekada ay aktibo sa pelikula at …

Shea Tan Ruffa Mae Quinto

Rufa Mae nalunasan sobrang pagpapawis ng kili-kili

MATABILni John Fontanilla HINDI nagdalawang isip si Rufa Mae Quinto na tanggapin ang isang produktong makatutulong para …

Tulfo, researcher at iba pa sinampahan kasong cyber libel ni Ginco 

HATAWANni Ed de Leon NAGSAMPA ng demandang cyber libel ang dating program manager ng TV5 na si Cliff …

Karla Estrada Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo

Karla Estrada may ibubunyag ukol sa KathNiel

HATAWANni Ed de Leon WALA namang sinabi si  kung ano ang ilalabas niyang revelations tungkol …

Chelsea Manalo Victoria Kjær Theilig

Chelsea Manalo itinanghal na Miss Universe Asia; Miss Denmark Victoria Kjær Theilvig Miss Universe 2024

HINDI man pinalad makapasok sa Top 12 at maiuwi ng pambato ng Pilipinas ang Miss Universe …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *