Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte, Kerry talk everything agree nothing (US$32-M alok sa PH tiniyak)

072816_FRONT

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US Secretary of State Johhn Kerry na igigiit ng Filipinas sa Beijing ang pagmamay-ari ng bansa sa mga inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Sa press briefing sa Palasyo ni Presidential Spokesman Ernesto Abella makaraan ang courtesy visit ni Kerry kay Duterte, sinabi niyang walang nabuong kasunduan ang dalawang leader hinggil sa implementasyon ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na sakop ng 200-mile exclusive economic zone ang WPS.

“There was no agreement except that whatever talks we will engage in will begin with the ruling that will be the foundation the ruling regarding the area,” ani Abella.

Habang magkasalo sa tanghalian sina Duterte at Kerry ay tinalakay rin nila ang terorismo, krimen, illegal drugs, religious fanaticism at maritime security ngunit hindi tinuran ni Abella ang tinukoy niyang “menu of solutions.”

Nangako aniya si Kerry na magbibigay ng $32-M ang US sa Filipinas para sa pagsasanay sa pagpapatupad ng batas ngunit hindi sinabi ni Abella kung para ito sa pagpapatupad ng PCA ruling laban sa China.

Pati ang hilig nila pareho sa motorsiklo at nakatutuwang karanasan ni Kerry ay napag-usapan, sabi ni Abella.

Maging ang hinanakit at mapapait na karanasan ng mga taga-Mindanao sa kamay ng mga Amerikano at mga mananakop noong 1521 ay inilitanya rin ni Duterte kay Kerry.

“He mentioned again in 1521 how American and other colonial powers actually inflicted historical pain upon the residents of Mindanao,” ani Abella.

Ikinuwento ni Kerry ang kanyang papel noong 1986 snap elections sa Filipinas bilang observer nang siya’y senador pa lamang.

Ipinaliwanag  ni Kerry kay Duterte ang mga isyu hinggil sa Climate Change Agreement at tiniyak ng Pangulo na susunod ang Filipinas basta ito’y maging patas.

“They touched on climate change and Mr Kerry was helpful in defining issues on Paris pact. The pres also responded appropriately he said the Philippines will work out as long as everything is fair,” dagdag ni Abella.

Samantala, hindi naalarma si Kerry bagkus ay pinakinggan ang pagsasalaysay ni Duterte kung paano niya tinutugunan ang paglaban sa illegal drugs ng kanyang administrasyon.

“There was no alarm mentioned there. President Duterte did mention the way he has been handling the war against crime especially the narcotic plague. He (Kerry) was listening,” ani Abella.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …