Monday , December 23 2024

Atty. Villareal, epektibong MTRCB chair

00 fact sheet reggeeSANA hindi palitan ng administrasyong Duterte si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Eugenio ‘Toto’ Villareal dahil maganda ang pamamalakad nito.

Maayos at mahigpit si Chairman Villareal dahil nakita namin kung gaano kahigpit ang mga takilyera sa mga sinehang pinanonooran naming malls.

At kapag may kasamang bata ang magulang at maski na may nakalagay na PG-13 at wala pang 13 ang anak ay hindi pinapapasok at na-witness na rin namin na may gustong lumusot ay hiningan ng ID ng takilyera ang ina ng bata o school ID.

Kung walang ID na maipakita ay humihingi naman ng dispensa ang takilyera at sinasabing hindi sila magpapapasok dahil sila ang mapagagalitan at posibleng ikatanggal pa nila sa trabaho kapag pinalusot nila.

Oo nga naman, nagkalat kaya ang mga deputy sa lahat ng sinehan.

Pati sa paglalagay ng ratings sa mga pelikula ay mahigpit din pero minsan may mga katanungan kami kung bakit minsan R-13 ang ibinibigay sa foreign movie na may sexy scene at may halikan pa, hindi ba dapat R-16?

May concerned kami sa mga batang kasama ang magulang na sana kung hindi naman pambata ang pelikula ay huwag nang isama dahil ang tendency nag-iingay ang mga bagets kapag hindi nila type ang pinanonood nila.

May nakasabay kasi kami na siguro walang mapag-iwanan ang nanay sa anak kaya isinama ng manood ng pelikulang Love Me Tomorrow ninaPiolo Pascual at Dawn Zulueta na PG ang rating na ibinigay ng MTRCB.

Sobrang ingay ng bagets at talagang may malisya na dahil panay ang tukso kapag nagpapa-cute si Piolo kay Dawn lalo na noong nahulog ang towel ng aktor at sabi ng bagets, ”uy, gustong-gusto naman ni Dawn, breakfast is ready na raw” at tawanan ang lahat ng tao sa sinehan.

Going back to MTRCB Chairman Toto, may nabalitaan kaming pangalan na tila gustong umupo sa puwesto niya bilang Chairman, pero mukhang hindi nagtagumpay sa pagpaparinig nito kay Presidente Rodrigo Roa Duterte dahil hindi siya pinansin ng pangulo, ha, ha, ha.

Oo nga, bakit kailangang palitan kung maayos naman ang trabaho at wala namang pangit na record si Atty. Toto? Ang dapat na inaalis sa puwesto ay ‘yung may mga anomalya.

Hindi pa kami nakarinig ng reklamo sa mga taga-showbiz/movie producers at directors laban kay Chairman Toto, maliban lang kay Senator Tito Sotto na ipinatawag sa MTRCB office kamakailan.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *