Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rodrigo Duterte mapagkumbaba at simpleng pangulo

THANK god.

Sugo ng langit sa atin si Presidente Duterte. Napakasimple niyang tao pati sa mga dinadaluhan niyang pagtitipon ay pumipila siya sa pagkuha ng pagkain at talagang ‘di nya ginagamit ang power nya.

Mantakin ninyo, malala na ang droga sa ating bansa pero siya lang ang nakagawa nito na binangga niya ang malalaking tao na humahawak ng mga droga pati politicians.

Lahat ay gagawin niya para matapos na ang problema sa ilegal na droga at sa napakaraming krimen.

Sa nakikita ko, matatapos na rin ang talamak na droga sa ating bansa.

Salamat at may isang Duterte na namuno sa bansa natin.

Talagang trabaho ang inaatupag niya at hindi siya mapagmalaki at may puso sa maliliit at kahit saan dalhin ay napakasimple niya.

You’re the best, Pangulo!

***

Hanga talaga ako kay ret. Gen. Jessie Dellosa. Wala ka man lang marinig na alingasngas na katiwalian at napakaganda rin ng kanyang anti-smuggling operation sa customs.

Walang silang ipinagkaiba ni Depcom. Ariel Nepomuceno.

Magaling talaga si Gen. Dellosa at totoong tao hindi kagaya ni Comm. Lina na pinakabolero na yata na naging commissioner ng Customs.

Nakikita rin na magtatagumpay si Commissioner Nick Faeldon sa BOC.

Comm. Faeldon, alam ko may integridad ka. Keep up the good work!

Ang sa akin, okey lang na may Magdalo sa BOC para makatulong sila sa anti-smuggling group lalo sa karagatan.

Mabuhay ka Comm. Faeldon!

***

Suportahan din natin si Gen. Jaime Morente bilang Immigration Commssioner.

Nawa’y magtagumpay siya sa BI. Keep up the good work General Morente.

Welcome na welcome ang Magdalo dito, mabuhay kayo!

***

Isa sa mahal ng ating mga kababayan ngayon ay si PNP chief, Director General Bato Dela Rosa.

He is a great police officer, tumaas ang moral ng PNP dahil napakagaling niya at lahat sumusunod pagdating sa pagsugpo ng krimen.

Mabuhay ka Sir!

Dalangin namin na magtagumpay kayo sa adhikain na linisin ang PNP at bumaba ang krimen sa ating bansa.

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …