VIGAN CITY – Negatibo ang resulta nang isinagawang ocular inspection ng mga awtoridad sa mga nakatenggang barko sa Brgy. Pantay Tamurong, Caoayan, Ilocos Sur, na pinagkamalang shabu laboratory.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag-alamang hindi pa nakapagsasagawa ng ‘dredging operation’ ang Keenpeak company na pinagtratrabahuhan ng Chinese nationals dahil inaayos pa ang permit mula sa Mines and Geosciences Bureau kahit mayroon na silang permit mula sa national government.
Napag-alaman din, nakatambay ang tinatayang 12 barko hanggang ngayon dahil inaaayos pa at wala pang ibinigay na permit ang Bureau of Customs para makaalis.
Kung sakaling mayroon na silang permit, tatlong barko na lamang ang maiiwan para sa operasyon.